1. Home
  2. Ekonomiya
  3. Economic Indicators

Hike posible habang naghahanda ang Bank of Canada na ianunsyo ang rate bukas

Matapos i-pause ang rates, may lumalaking espekulasyon na handa na ang bangko na itaas itong muli

Side view ng isang lalaki na nakasalamin at nakalagay ang kamay sa bibig.

Bank of Canada Governor Tiff Macklem

Litrato: (Bloomberg) / Renaud Philippe

RCI

Maaaring magkaroon ng masamang balita ang sinumang may mortgage ngayong linggo, habang lumalaki ang espekulasyon na ang Bank of Canada ay handa na simulan muli ang pagtaas ng lending rates.

Matapos ilang ulit na itinaas ang benchmark interest rate upang pigilan ang inflation, pansamantalang itinigil ng central bank ang pagtataas sa rate noong Enero, sinabi nito na kailangan nila ng oras upang sukatin ang epekto nito sa ekonomiya.

Ang pause, bagama’t may malakas na indikasyon na umaasa ang bangko na nanalo na ito sa laban, ay hindi pa rin tiyak, habang ginawa itong malinaw ng central bank governor na si Tiff Macklem sa kanyang talumpati matapos ianunsyo ang naturang desisyon.

Ang pause ay conditional, aniya. Depende kung ang ekonomiya ay magdedebelop gaya ng aming iniisip at kung ang inflation ay magpapatuloy na bumagsak.

Mula noon, ilang data points ang lumabas at ipinahiwatig na ang mga kondisyon na iyon ay hindi na naaabot, habang ang ekonomiya ng Canada ay mainit pa ring tumatakbo kaysa sa nais ng central bank — marahil sapat na iyon upang mapilitan si Macklem na umaksyon muli.

Basahin ang iba pang detalye bago ang rate announcement sa Miyerkules. (bagong window)

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita