- Home
- Ekonomiya
- Negosyo
Flair ang worst airline sa Canada pagdating sa mga reklamo
Inilarawan ng mga pasahero ang customer service chaos sa Flair Airlines

Nakita ng federal air transportation regulator na ang Flair ang nahuhuli sa lahat ng ibang pangunahing carriers sa customer satisfaction sa unang quarter ng 2023. (The Canadian Press/Ho, Flair Airlines)
Litrato: The Canadian Press/Ho, Flair Airlines
Ang ultra low-cost carrier na Flair ay ang worst airline ng Canada pagdating sa mga reklamo, higit 20 porsyento ng kanilang mga flight ay nagbunsod ng mga reklamo sa Canadian Transport Agency (CTA), ayon sa bagong pederal na datos.
Habang ang mga reklamo tungkol sa pagbibiyahe sa ere ay hindi na bago, ang
CTA, ang quasi-judicial body na nagre-regulate ng air transportation, ay napag-alaman na ang Flair ay nahuhuli sa mga pangunahing carrier pagdating sa customer satisfaction sa unang quarter ng 2023.Noong Enero hanggang Marso, nakatanggap ang
CTA ng 20.9 na reklamo sa bawat 100 flights ng Flair.Kumpara sa 10.7 ng WestJet at 5.8 ng Air Canada.
Isang tsart na nagpapakita ng bilang ng mga reklamo kada 100 flights na pinapatakbo ng Canadian airlines.
Litrato: CBC
Ang ibang low-cost carriers — na nagtsa-charge ng mas murang fares, ngunit nagdadagdag naman ng iba tulad ng seat selection, baggage at live-agent customer service — ay nag-perform ng mas mahusay kaysa sa Flair bagama’t may pareho itong business model.
Ang mahinang performance ng Flair ay hindi na sorpresa sa ilang kostumer.
May dedicated na Facebook group — Flair Airlines Nightmares — na may higit 10,000 na miyembro ang nagpapalitan ng horror stories tungkol sa paglipad sa carrier.
Magkakaiba ang mga reklamo pero may isang common thread: ang lacklustre o non-existent na customer service.
Ang mga pasahero ay kadalasan nakikipagbuno sa last-minute flight cancellations, mahabang oras na delays, nawawalang mga bagahe at rebooked flights na ilang araw o linggo ang layo mula sa orihinal na petsa ng pag-alis.
Kung minsan, isinasakay ng Flair ang mga pasahero sa mga eroplanong patungo sa mga paliparan na hindi nila orihinal na destinasyon.
Ang tagapagsalita ni Transport Minister Omar Alghabra ay sinabi na inanunsyo ng gobyerno ang mga pagbabago sa air passenger rights regulations noong Abril — ang tweaks ay para gawing mas accountable ang lahat ng airlines.
"Ang operational decisions ng isang airline ay ang responsibilidad ng airline. That being said, inaasahan namin na lahat ng air carriers, kasama ang Flair, ay tutuparin ang kanilang mga obligasyon para panatilihing ligtas ang mga pasahero at protektahan ang kanilang mga karapatan. Ang mga bagong changes sa Air Passenger Protection Regulations ay makakatulong na tiyakin na ito nga ang kaso," sabi ng tagapagsalita.
Basahin ang buong istorya rito (bagong window).
Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.