- Home
- Lipunan
- Tahanan
Grupo ng tenants tumangging magbayad ng renta sa gitna ng 10% na taas upa

Sina Khalil Aldroubi at Tricia-Ann Israel ay mga umuupa sa Thorncliffe Park apartment complex na nasa rent strike upang iprotesta ang proposed above-guideline rent increases.
Litrato: CBC News / Ken Townsend
Sinabi ng may-ari ng gusali na ang rent strike ay ‘mali ang timing at misguided’ dahil ang rent hikes ay hindi pa naaaprubahan.
Mahigit 100 na mga tenant sa isang Toronto apartment complex ang humintong magbayad ng renta upang iprotesta ang above-guideline increases na halos umabot sa 10 porsyento sa nakalipas na dalawang taon, ayon sa isang tenant advocacy group.
Ang rent strike, na nagsimula higit isang buwan na ang nakalipas, ay ang pangalawa sa Toronto dahil sa above-guideline increases na iniulat ng CBC Toronto noong nakaraang linggo.
Ang mga residente ng apartment complex na binubuo ng tatlong gusali ay binigyan ng abiso ng pagtaas ng upa simula Mayo 1, na naglalaro mula 4.94% hanggang 5.5%, ayon sa mga kopya ng 2022 at 2023 notices na ibinahagi sa CBC Toronto ng Federation of Metro Tenants' Associations.
Noong nakaraang taon, ang proposed increase ay 4.2%. Si Tricia-Ann Israel, na nakatira sa complex sa loob ng 32 taon, ay sumali sa strike dahil sa takot na baka mapilitan siyang umalis dahil sa pagtaas ng renta.
Sinabi ni Israel na nararamdaman niyang parang walang nagmamalasakit
sa mga residente.
Basahin ang buong istorya rito (bagong window).
Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.