1. Home
  2. Politika
  3. Pederal na Politika

Poilievre ikinumpara ang Kelowna sa isang third world country

Mga tent sa tabi ng daan.

Homeless camps sa kahabaan ng Okanagan Rail Trail sa bandang hilaga ng downtown Kelowna.

Litrato: (Brady Strachan/CBC)

RCI

‘Bakit hindi siya pumunta dito at makipag-usap sa mga tao?’: Kelowna, B.C., camper Debbie Houghtaling

Si Garth Gorrel at ang kanyang asawa, si Debbie Houghtaling, ay nagka-camping sa Okanagan Rail Trail sa bandang norte ng downtown Kelowna, B.C., sa loob ng dalawang taon.

Si Gorrel, isang dating steelworker sa Kamloops, at si Houghtaling, na dati rati ay gumagawa ng online clerical work para sa isang Alberta-based janitorial service, ay parehong nawalan ng trabaho dahil sa mga layoff sa peak ng COVID-19 na pandemya.

Umaasa na makakakita ng trabaho, ang mag-asawa ay nagtungo sa Kelowna ngunit hindi sinuwerte. Dahil hindi nila kayang umupa ng apartment, nagdesisyon sila na tumira sa labas.

Nakatira kami doon — home sweet home, ani Gorrel, na nakatayo malapit sa kanyang itinayong bahay na binubuo ng dalawang tent, isang hardin ng mga gulay at ang kanilang aso na si Kismet.

Huwag kang humarang sa mga tao, magiging OK ka lang.

Isang lalaki at babae kasama ang kanilang aso.

Si Garth Gorrel, kanan, at ang kanyang asawa na si Debbie Houghtaling.

Litrato: (Brady Strachan/CBC)

Noong Mayo 2021, ang Lungsod ng Kelowna ay nag-set up ng tinatawag nilang outdoor sheltering site sa Rail Trail kung saan ang mga tao ay maaaring matulog sa kanilang tent mula 6 ng gabi hanggang 9 ng umaga araw-araw. Ang pangunahing layunin ng designated camping site ay para i-discourage ang mga tao mula sa pagka-camp sa mga parke ng siyudad at iba pang pampublikong lugar. Mula noon, pinalawak ng siyudad ang allowance at tinataya na humigit-kumulang 100 katao ang nagka-camp doon araw-araw.

Gayunpaman, hindi inaasahan ng mag-asawa na makakatagpo sila ng mga estranghero na manghihimasok sa kanilang buhay, nagda-drive sa paligid ng encampment area, nagfi-film, at nagpupukol ng mga mapanlait na salita sa mga camper.

Nagda-drive sila sa paligid at nagsasabi crackheads” o isang lalaki ang dumating na may megaphone at sinabi, ‘Huwag kang mag-drugs.’

Hindi kami lahat drug addict, ani Houghtaling. Pakiramdam mo ikaw ay naka-display.

Naniniwala siya na ang mga nagfi-film ay isang paycheck away na lang din mula sa pagdanas ng homelessness. Sa kanyang sorpresa, ang isa sa mga bidyo na na-capture ay in-upload sa TikTok noong weekend.

Pagkatapos ng dalawang araw, itinuweet ni federal Conservative Leader Pierre Poilievre ang TikTok video, na humakot ng higit 11,000 likes.

Ang mga imahe na ito ay hindi galing sa malayong third-world country. Ito ay Kelowna matapos ang walong taon ni Trudeau at ng NDP, sulat ni Poilievre sa tweet.

Campers, siyudad umalma sa polarizing tweet ni Poilievre

Hindi makapaniwala si Houghtaling na isang politiko ang piniling gamitin ang TikTok video na kulang sa anumang konteksto tungkol sa Rail Trail campers.

Bakit hindi siya pumunta dito at makipag-usap sa sinumang nandito o mag-drive by at i-film niya ito mismo?

Para gamitin niya kami sa kanyang platform para magmukha siyang mas mahusay na lider? aniya. Sinuman na nagsasabing ang mga taong iyon ang nagpapatakbo ng ating bansa ay katawa-tawa.

Ang Central Okanagan, na tahanan ng higit 222,000 katao, ang pinakamabilis na lumalaking metropolitan area (bagong window) sa Canada, ayon sa Statistics Canada. Tulad ng maraming iba pang rehiyon sa British Columbia at Canada, ito ay nakikipagbuno sa mabilis na tumataas na homeless population.

Tinataya ni Darren Caul, ang community safety director ng Kelowna, na may humigit-kumulang 200 katao na namumuhay outdoors sa buong siyudad, apat na beses na pagtaas sa nakalipas na dalawang taon.

Bilang isang public servant, sinabi ni Caul na iniiwasan niyang sumabak sa pulitika ngunit naniniwala siya na hindi patas na i-single out ang Kelowna sa social media para sa kanilang homeless population.

Sinabi ni Caul na nabigong kilalanin ng tweet ni Poilievre tweet ang world-class amenities ng Kelowna, tulad ng napakagandang Okanagan Lake, mga beach and wineries.

Sinabi niya na hindi rin nito binanggit ang implementasyon ng Central Okanagan municipality ng limang taon na Journey Home strategy (bagong window) noong 2017, na nakipag-partner sa B.C. Housing at non-profit organizations upang tugunan ang homelessness at addiction issues.

Basahin ang buong istorya rito. (bagong window)

Bahagi ng artikulo ni Winston Szeto (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita