- Home
- Politika
- Katutubo
Canada nagbigay ng $95M para sa mga Katutubong may nawawalang kaanak
Si Hilda Anderson-Pyrz, ang chair of the National Family and Survivors Circle (archives).
Litrato: Radio-Canada / Jaison Empson
Ang pondo ay pinalawak para isama ang mga serbisyo para sa mga kalalakihan at batang lalaki.
Nangako ang Canada ng higit $95 milyon upang tulungan ang mga Indigenous na pamilya na makakuha ng impormasyon tungkol sa nawawala o napatay na mga mahal sa buhay.
Noong Mayo 29, inanunsyo ni Justice Minister David Lametti ang $95.8 milyon na bagong pondo na ipapamahagi sa susunod na limang taon para sa mga pamilya na may nawawala o pinatay na Katutubo, at dagdag na $20.4 kada taon para patuloy na tumakbo ang mga support program.
Tayo ay nagbibigay ng resources para ang resources mismo ay mawala na sa kuwestiyon,
ani Lametti.
Nariyan ito hanggang kailangan pa ito ng mga biktima.
Ang pera ay nagmula sa 2023 federal budget at kabilang dito ang:
- $37.3 milyon sa loob ng limang taon, at $7.75 milyon kada taon, para i-renew at palawakin ang Family Information Liaison Units
- $20.0 milyon sa loob ng limang taon, at $4.15 milyon kada taon, para suportahan ang mga pamilya ng Indigenous-led healing initiatives
- $38.6 milyon sa loob ng limang taon, at $8.45 milyon kada taon, para sa wide range ng Indigenous-led activities para sa mga biktima ng krimen at survivors ng karahasan
Tinawag ni Meggie Cywink, isang advocate para sa mga nawawala at pinatay na Indigenous na mga kababaihan at mga batang babae, ang anunsyo na isang magandang simula pero iginiit na mahalaga kung paano ipapamahagi ang pondo.
“Kung paano ito dadaloy sa mga grassroots organization at mga pamilya ay kritikal sa tagumpay nito,” ani Cywink.
Sinabi naman ni Hilda Anderson-Pyrz, chair ng National Family and Survivors Circle, na mas maraming pondo ang kailangan upang tugunan ang ugat ng karahasan laban sa Indigenous people.
Ang pondo ay isang pangunahing hakbang sa tamang direksyon, pero alam nating lahat na hindi ito sapat,
ani Anderson-Pyrz.
Kakailanganin natin ng mas maraming pondo para tugunan ang sistematiko at structural na rasismo na pinapanatili ang karahasan na ating nararanasan.
Basahin ang buong istorya rito. (bagong window)
Bahagi ng artikulo ni Olivia Stefanovich (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.