- Home
- Kapaligiran
- Wildfire
101 forest fires nasusunog sa Quebec at 10 ang ‘di na makontrol

Halos kalahati ng mga residente sa Chapais sa northern Quebec ay inilikas.
Litrato: Nina Grondin
Sinabi ng fire prevention agency ng probinsya na ito ay may abilidad na labanan lamang ang 30 sunog.
Habang ang mga bumbero ay nahihirapan na apulahin ang nasusunog na kagubatan sa Quebec, ang fire prevention agency ng probinsya, Société de protection des forêts contre le feu (SOPFEU), ay nagbabala sa mga taga-Quebec na mas maraming sunog na 'di na makontrol ang hindi na kayang i-handle ng ahensya.
Ngayong Biyernes ng umaga, may 101 na sunog at 10 dito ang out of control, sinabi ng tagapagsalita ng SOPFEU na si Stéphane Caron sa Tout un matin ng Radio-Canada. Dagdag pa niya inaasahan na ang bilang na iyon ay dodoble sa pagtatapos ng araw.
Sa ngayon, may 101 na aktibong sunog, talagang hindi kayang harapin ng SOPFEU ang lahat ng ito, kaya kailangan namin gumawa ng mga prayoridad,
ani Caron, dahil may kapasidad lamang sila na labanan ang 30 sunog sa isang pagkakataon.
Ang isyu ay hindi galing sa kakulangan ng resources ngunit mula sa dami ng bilang ng apoy na nasusunog nang sabay-sabay, aniya.
Ang prayoridad namin ay protektahan ang mga komunidad na tinitirhan ng mga tao at ang estratehikong, essential na imprastraktura.
Ang sitwasyon sa bayan ng Chapais sa hilagang Quebec — kung saan mahigit 500 na tahanan ang lumikas ngayong linggo — ay nag-improve na ngunit ang sunog malapit sa Sept-Îles sa North Shore region ng probinsya ay nakakabahala, ani Caron.
Ang pagprotekta sa mga linya ng kuryente ng Hydro-Québec ay isa ring pangunahing prayoridad, aniya.
Sinabi ni Caron na ang SOPFEU ay humingi ng tulong, pero dahil napakaraming crew ang lumalaban sa mga sunog sa Eastern at Western Canada, maaaring tumawag sila ng dayuhang firefighting teams.
Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.
May kasamang files mula sa Radio-Canada