1. Home
  2. Sining
  3. Sinehan

Bagong docuseries ipapasilip ang buhay ng Filipino Canadian artists

Poster ng palabas na Hiraya.

Ang Hiraya ay isang docuseries tungkol sa mga pangarap at mithiin ng Filipino Canadian artists na ipapalabas sa Globe Cinema sa Calgary sa Hunyo 4.

Litrato: Facebook/Hiraya 2023

RCI

Ngayong Filipino Heritage Month, panoorin ang bagong docuseries na pinamagatang Hiraya.

Ang Hunyo ay Filipino Heritage Month — isang panahon upang matuto ukol sa kulturang Pilipino at ngayong weekend tampok sa isang bagong docuseries ang buhay, mga minimithi at aspirasyon ng Filipino Canadian artists na ipapalabas sa Globe Cinema.

Nasa labas ng gusali si Paolo Oliveros na nakasuot ng t-shirt na nagsasabing love.

Ipinagmamalaki ni Paolo Oliveros ang kanyang pagka-Pilipino.

Litrato:  CBC / Esther Cho Photography

Matutunghayan sa Hiraya ang sining at buhay nina Harvey (multi-disciplinary artist), Nina (musician/singer), Lionel (photographer), Gladzy (visual artist/musician), at Maliyah (fashion designer).

Panoorin ang trailer ng docuseries:

Poster ng palabas na Hiraya.Palakihin ang larawan (bagong window)

Ang Hiraya ay isang docuseries tungkol sa mga pangarap at mithiin ng Filipino Canadian artists na ipapalabas sa Globe Cinema sa Calgary sa Hunyo 4.

Litrato: Facebook/Hiraya 2023

Idinerehe rin ito ni Jomarie Anza kasama si Oliveros.

Mapapanood ang Hiraya sa Globe Cinema sa downtown Calgary sa Hunyo 4.

Isang episode ng The Homestretch na isinalin ang description sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita