- Home
- Lipunan
- Imigrasyon
Pagwawaksi sa diskriminasyon susi sa pananatili ng mga imigrante

Isang national conference na ginanap sa Delta Hotel sa Charlottetown ngayong linggo ang nakapokus sa dapat gawin ng maliliit na siyudad tulad ng Charlottetown para manatili ang newcomers.
Litrato: CBC
‘Kung pakiramdam mo na hindi ka kabilang, mas mahina ang attachment’
Kailangan harapin ng Prince Edward Island ang diskriminasyon kung nais nitong pakinabangan ang mga benepisyo ng pagdating ng isang wave ng mga bagong imigrante, sinabi ng isang advocacy group.
Ang mga lumahok sa dalawa at kalahating araw na National Small Centres Conference ngayong linggo ang nagdiskusyon ukol sa mga hamon at oportunidad na inaalok ng imigrasyon sa maliliit at malalayong komunidad.
Ang komperensya, na naganap sa Delta Hotel sa Charlottetown, ay nakapokus sa dapat gawin ng maliliit na siyudad tulad ng kapitolyo ng P.E.I. upang manatili ang newcomers.
Tinataya ng P.E.I. ngayon na magiging 200,000 ang populasyon sa 2030 — apat na taon na mas maaga sa pino-forecast ng probinsya noong nakaraang taon. Isang malaking parte ng paglago na iyon ay itutulak ng mga bagong imigrante sa Canada.
Ngunit ang mga lumahok sa komperensya ay nanindigan na ang pokus ay hindi dapat sa pag-akit sa mga newcomer, ngunit dapat sa pagpapanatili sa kanila.
'Araw-araw na diskriminasyon'
Si Victoria Esses ay bahagi ng Pathways to Prosperity Partnership alliance. Sinabi niya na ang susi ay ang pagsusuri sa papel na ginagampanan ng diskriminasyon na humahadlang sa pananatili ng mga tao sa isang komunidad.
Maraming noteworthy episodes ng diskriminasyon na nagaganap sa ating mga komunidad na napapabalita. Pero tila tinatakpan nito ang araw-araw na diskriminasyon na nararanasan ng mga newcomer at racialized individuals sa ating mga komunidad,
ani Esses.
Ang diskriminasyon ay madalas nangyayari sa mga pampublikong lugar, kaya kapag nagpupunta ka sa parke, o kung naghihintay ka ng bus at hindi ito huminto para sa iyo, o sumakay ka sa bus at rude ang mga tao sa iyo o iniiwasan ka o sumigaw ng mga komento sa iyo.
Sinabi rin niya na ang mga tao ay nahihirapan na humanap ng trabaho, na isang malaking isyu dahil, ironically, kailangan natin ng mga imigrante.
Sinabi ni Esses na ang mga imigrante at racialized na mga tao ay kinakailangan para tugunan ang kakulangan sa mga manggagawa sa buong Canada ngayon, gayunpaman madalas silang nahaharap sa mga hadlang pagdating sa pagkuha ng mga posisyon dahil sa diskriminasyon.
Charlottetown nasa gitna ukol sa attitudes sa mga imigrante
Batay sa isang national survey data, sinabi ni Esses na ang diskriminasyon ay tila mas malala sa maliliit na komunidad kumpara sa mas malalaking siyudad.
Ang Pathways to Prosperity Partnership ay may serye ng mga indikasyon na maaaring gamitin ng mga komunidad upang sukatin kung sila ay welcoming
sa mga imigrante. Kabilang sa mga indicator ang mga bagay tulad ng access sa bahay at trabaho, at positibong relasyon sa municipal services, health care workers at pulisya.
Ang Charlottetown ay nasa gitna ng pack pagdating sa mga attitude sa mga imigrante, batay sa isang survey ng similar-sized communities, ani Esses.
Ang diskriminasyon ay nakakaapekto kung nararamdaman ng mga tao na kabilang sila sa isang komunidad. At kung nararamdaman mo na hindi ka kabilang, mas mahina ang attachment,
aniya.
Maghahanap ka kung saan ka susunod na pupunta. Maraming diskusyon tungkol sa, ‘Nandito lang kami sa loob ng ilang taon, tapos aalis na,’ tama? At, ‘Hindi kami mananatili. Alam namin na hindi kami mananatili dito.’ Ang mga komunidad na ito ay talagang kailangang gumawa ng mas mabuti.
Isang artikulo ni Arturo Chang (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.
May kasamang files mula kay Victoria Walton