- Home
- Kalusugan
- Pampublikong Kalusugan
Ontario ni-renew ang pondo para sa summer ER staffing ng 1 pang taon

Ontario Health Minister Sylvia Jones (archives)
Litrato: La Presse canadienne / Tijana Martin
At least isang ospital sa norte ang nagsabi na ang kakulangan sa pondo ay nauwi sa panandaliang pagsasara ng ER.
Ire-renew ng Ontario ang pondo na makakatulong sa rural at northern hospitals na palakasin ang emergency room staffing sa kahabaan ng tag-init, pero sinabi na ang programa ay magwawakas matapos ang taong ito.
Sinabi ni Health Minister Sylvia Jones na ang programa ay makakatulong na maiwasan ang halos 1,500 na pansamantalang pagsasara ng ER noong nakaraang tag-init. Habang nag-expire na noong Marso 31, hindi niya inanunsyo hanggang ngayong araw na ang gobyerno ay ire-renew ang pondo para sa isa pang summer.
Sinabi ng tagapagsalita ni Jones na ang pag-extend sa programa ay nag-require ng extensive consultations sa mga pangunahing health-care sector partners kabilang ang Ontario Medical Association at Ontario Health.
Sinabi niya na ang ministro ay imo-monitor ang tagumpay ng programa at susuriin kung paano mas masusuportahan ang emergency departments sa tag-init ng 2024 at sa mga darating pang taon.
At least isang ospital sa norte ang nagsabi na ang kakulangan sa pondo mula Abril ay nauwi sa pansamantalang pagsasara ng ER, pero dahil sa inanunsyong pondo ngayong Huwebes, ang kanilang summer staffing situation ay tila mas promising.
Maraming rural at ospital sa norte ang nakadepende sa mga doktor mula sa urban areas na pinupunan ang shifts na kilala bilang locum basis, ang programa na ito ay nilikha noong pandemya upang bayaran ang mga doktor ng premium para sa kanilang trabaho.
Isang artikulo ng The Canadian Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.