- Home
- Lipunan
- Biyahe
Air Canada tinamaan ng malawakang delays dahil sa problema sa komunikasyon

Isang eroplano ng Air Canada ang makikita sa file photo na ito (archives).
Litrato: La Presse canadienne / Graham Hughes
Humigit-kumulang isang quarter ng flights ng Air Canada ang na-delay ngayong Huwebes.
Nakakaranas ang Air Canada ng isyu sa isa sa kanilang internal systems, na nauwi sa pagkaantala ng mga flight sa kanilang buong network.
Sinabi ng airline ngayong Huwebes na nakakaranas ito ng temporary technical issue sa kanilang communicator system, isa sa mga sistema na aming ginagamit para makipag-communicate sa aircraft at i-monitor ang operational performance.
Ang isyu ay nakakasanhi ng mga delay sa buong sistema, may 130 flights na ang na-delay ngayong araw, ayon sa FlightAware.com. Iyon ay humigit-kumulang 25 porsyento ng daily load ng airline.
Ito ang pangalawang pagkakataon sa loob ng wala pang isang linggo na ang airline ay tinamaan ng technical problem na naging sanhi ng delays o mga kanselasyon. Noong Mayo 25, ipinag-utos ng U.S. aviation regulator na FAA ang ground stop para sa lahat ng Air Canada flights dahil sa unspecified computer issues. Ang outage ay nagtagal ng higit isang oras.
Noong panahon na iyon, sinabi ng Air Canada na ang isyu ay nasa kanilang communicator system.
Inaabisuhan ng airline ang sinuman na lilipad ngayong araw na itsek ang status ng kanilang flight bago magtungo sa paliparan.
Kami ay nagtatrabaho nang husto upang maayos ang sitwasyon,
sinabi ng airline sa CBC News sa isang emailed statement. Humihingi kami ng tawad sa mga naapektuhan, at na-appreciate namin ang inyong pasensya.
Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.