- Home
- Politika
- Imigrasyon
Quebec inilunsad ang bagong platform para matuto ng Pranses

Si Christine Fréchette, ang minister ng immigration, francisation at integration, inanunsyo ang bagong, one-stop-shop platform para mag-aral ng Pranses noong Mayo 29, 2023.
Litrato: CBC News / Rowan Kennedy
Pinahihintulutan ng Bill 96 ang lahat ng Quebecers na i-access ang mga kurso sa Pranses.
Simula Hunyo 1, ang Quebecers na nais matuto ng Pranses ay maaaring magparehistro para sa mga kurso sa pamamagitan ng bagong online portal: ang Francisation Québec.
Ang portal, na magiging accessible mula sa Quebec.ca, ay naglalayong maging bagong one-stop-shop para sa pagko-coordinate ng French-language learning services ng gobyerno.
Inilunsad ni Christine Fréchette, ang minister ng immigration, francisation at integration, at Jean-François Roberge, ang ministro na responsable para sa French language, ang platform noong Lunes ng umaga.
Ang bagong serbisyo ay dinebelop sa nakalipas na taon bilang tugon sa tumataas na demand para sa mga kurso sa Pranses — na inaasahan ng gobyerno na lalaki sa mga darating na buwan at taon dahil sa Bill 96.
Ang Bill 96 ay ginawang karapatan ng lahat ng Quebecers, kasama ang anglophones, na magkaroon ng access sa French courses.
Ang Francisation Quebec, ang bagong portal, ay pagsasama-samahin ang lahat ng French-language learning services sa isang lugar para sa mga bagong dating, mga future immigrant na nais matuto ng Pranses bilang paghahanda sa kanilang pagdating, mga manggagawa at mga residente ng Quebec na hindi nagsasalita ng Pranses.
Sinabi ni Fréchette na ang gobyerno ay mag-a-adapt
sa inaasahang pagtaas ng demand para sa French courses, at ang Francisation Québec ay patuloy na nagre-recruit
ng mga titser para ma-meet ito. Ang kanyang departamento ay kasalukuyang may 550 na guro.
Samantala, ang bagong serbisyo ay inaasahan na magbibigay sa gobyerno ng mas accurate data kung sino ang nag-aaral ng Pranses sa probinsya.
Ang kasalukuyang francization services ay watak-watak dahil sa malaking bilang ng mga partner, kaya mas mahirap na makakuha ng datos sa bilang ng mga tao na nag-aaral ng Pranses,
ipinaliwanag niya. Sa pamamagitan ng Francisation Québec, pagsasama-samahin, imo-monitor at ise-centralize ang datos na ito, na bibigyan tayo ng mas accurate na larawan ng sitwasyon.
Noong 2021-2022, mahigit 37,000 ang nag-aaral ng Pranses sa pamamagitan ng isang programa ng gobyerno sa Quebec, tumaas ng 16 porsyento kaysa nakaraang taon. Para sa 2022-2023, ang pagtaas na iyon ay mas kapansin-pansin, sa 25 porsyento, na nag-peak sa halos 46,000 registrants.
In-attribute ni Fréchette ang paglago na ito sa investment ng kanyang gobyerno sa francization, na dumoble sa pagitan ng 2018 at 2022.
Sinabi ni Guillaume Cliche-Rivard, ang kritiko ng Québec Solidaire para sa imigrasyon at francisation, na ang paglulunsad ng Francisation Québec ay isang magandang balita, pero mahuhusgahan lang natin ang tagumpay nito sa pamamagitan ng mga resulta.
Ang prayoridad ay dapat ibigay sa paglikha ng tamang mga kondisyon para sa matagumpay na francisation sa lugar ng trabaho, at kailangan pang makita kung gaano ka-successful ang Francisation Québec sa pagkamit ng layunin na ito.
Isang artikulo ng The Canadian Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.
May kasamang files mula kay Rowan Kennedy