1. Home
  2. Kapaligiran
  3. Wildfire

Dagdag tulong parating na mula Canada para labanan ang N.S. wildfires

Aerial view ng nasusunog na kagubatan sa Nova Scotia.

Ang sunog sa Shelburne County ay tinatayang lumagpas na sa 17,000 ektarya at pinaniniwalaan ngayon na pinakamalaking wildfire na naitala sa kasaysayan ng N.S.

Litrato: Communications Nova Scotia

RCI

Kasama sa suporta ang pondo at co-ordination support mula sa militar gayundin ang mga bumbero.

Inaprubahan ng pederal na gobyerno ng Canada ang karagdagang resources para labanan ang mga sunog na nananalasa sa ilang parte ng Nova Scotia.

Inanunsyo ni Public Safety Minister Bill Blair ang suporta ngayong Huwebes ng umaga sa Ottawa.

Ang Canadian Armed Forces ay magbibigay ng planning at co-ordination support, gayundin ng mga bumbero at fire specialists para makatulong sa pagkontrol ng apoy. Ang mga bumbero ay gagamitin upang palitan ang mga crew na nagtatrabaho sa ground ng ilang araw na.

Sinabi ni Blair na ina-assess ng pederal na gobyerno kung ano pang resources ang maaaring maging available sa pamamagitan ng ibang departamento at ahensya.

Bukod sa suporta mula sa Ottawa, 100 na bumbero ang papunta na sa Nova Scotia mula sa Estados Unidos, kabilang ang 25 na inaasahan na darating agad at 60 to 80 pa ang inaasahan sa weekend.

Ang wala na sa kontrol na wildfire (bagong window) na nasusunog sa ilang parte ng Shelburne County ang pinakamalaki na naitala sa probinsya, at ilang apoy pa ang nagsimula sa area. Isa pang wildfire malapit sa Halifax ang sumira sa 150 na tahanan.

Si Central Nova Liberal MP Sean Fraser, ang federal cabinet representative para sa probinsya, ay sinabi ngayong Huwebes ng umaga na ang Canada ay aaprubahan ang anumang request para sa assistance na kaya nitong ibigay.

Gagawin natin ang lahat para matulungan ang mga tao na maging ligtas at labanan ang sunog at protektahan ang ating home province na Nova Scotia, ani Fraser sa Information Morning ng CBC.

Ang asal ay kunin ang anumang tulong na kinakailangan para makatulong protektahan ang Nova Scotians sa probinsya para magawa natin ang ating parte.

Sinabi ni Fraser na nakausap niya si Defence Minister Anita Anand bandang alas-singko ng umaga ngayong Huwebes, at sinabi nito sa kanya na aaprubahan niya ang bawat request na kanyang matatanggap.

Sinabi ni Fraser na ang pederal na gobyerno ay nakatulong suportahan ang mga gawain sa pamamagitan ng pagbibigay ng aerial surveillance mula sa Transport Canada, crew comfort trailers mula sa Canadian Coast Guard at Transport Canada, coast guard helicopters at fire trucks mula sa Defence Department.

Ang Ottawa ay magbibigay rin sa isang matching program sa pamamagitan ng Canadian Red Cross upang magbigay ng financial assistance, at susuportahan ang probinsya sa pamamagitan ng federal Disaster Financial Assistance Arrangements program para makapagbigay ng pinansyal na tulong sa mga taong apektado.

Ang pederal na gobyerno ay nandito para makatulong i-backstop ang gastos para ang probinsya ng Nova Scotia ay hindi malagay sa posisyon kung saan kailangan nila piliin na hindi magbigay ng suporta sa mga tao dahil wala silang cash para i-cover ito, ani Fraser.

Basahin ang buong istorya rito. (bagong window)

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita