- Home
- Politika
- Pederal na Politika
David Johnston walang plano bumaba bilang special rapporteur
Special rapporteur David Johnston (archives)
Litrato: La Presse canadienne / Sean Kilpatrick
Kahit bumoto na ang House of Commons para bumaba bilang special rapporteur si Johnston, plano niyang manatili sa posisyon.
Plano ni David Johnston na manatili bilang special rapporteur na nag-iimbestiga tungkol sa mga alegasyon ng panghihimasok ng dayuhan matapos bumoto ang House of Commons para siya ay bumaba sa puwesto.
Nagsumite ng mosyon ang New Democratic Party noong Miyerkules na nananawagan upang mag-resign si Johnston mula sa kanyang tungkulin na inatas sa kanya ni Prime Minister Justin Trudeau noong Marso para imbestigahan ang mga alegasyon na sinubukan ng Tsina na makialam sa nakaraang dalawang pederal na eleksyon.
Sinuportahan ng Conservatives at Bloc Québécois ang mosyon, habang tinutulan naman ng mga Liberal.
Nakapasa ito 174 laban sa 150. Hiniling ng mosyon sa gobyerno na maglunsad ng isang public inquiry sa isyu ng foreign interference.
Bilang tugon sa naging boto, nag-isyu si Johnston ng isang pahayag na nagsasabi na ang kanyang mandato ay nagmula sa gobyerno — hindi sa House of Commons.
Lubos kong iginagalang ang karapatan ng House of Commons na ipahayag ang kanilang opinyon tungkol sa aking trabaho going forward, pero ang mandato ko ay galing sa gobyerno,
aniya.
Mayroon akong tungkulin na ituloy ang trabaho na iyon hanggang makumpleto ang aking mandato.
Noong nakaraang linggo, sa kanyang unang report, nagrekomenda si Johnston laban sa isang public inquiry, at sinabi na plano niyang magsagawa ng serye ng mga pampublikong pagdinig upang imbestigahan pa ang isyu.
PANOORIN | Trudeau dinepensahan si Johnston:
Basahin ang buong istorya rito (bagong window).
Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.