- Home
- Pandaigdig
- Mga Armadong Labanan
Ukraine dineretso ang hiling para sa mas maraming armas sa defence sector

Ukrainian Defence Minister Oleksiy Reznikov, kanan, at Defence Minister Anita Anand ng Canada (archives).
Litrato: Radio-Canada / Ivanoh Demers
Sinabi ni Oleksiy Reznikov sa defence contractors ng Canada na ginagawa ng Ukraine ang trabaho dapat ng NATO.
Nilampasan ng defence minister ng Ukraine ang gobyerno ng Canada ngayong Miyerkules at dinala ang pakiusap ng kanyang bansa para sa mas sopistikadong armas diretso sa defence manufacturers ng Canada.
Sa pamamagitan ng isang pahayag sa bidyo, sinabi ni Oleksiy Reznikov sa mga taong nagsama-sama para sa pinakamalaking defence exposition sa Canada na ang kanyang bansa ay may urgent military equipment needs na kailangan punan.
Kaya naman, umaasa kami sa pangmatagalang suporta ng Canada sa area na ito,
ani Reznikov sa Canadian Association of Defence and Security's (CADSI) annual trade show (CANSEC).
Nagbigay ang Ukraine ng listahan ng Canadian na mga produkto at teknolohiya na kailangan ng bansa sa gobyerno ng Canada.
Ang Ukraine, aniya, ay nais makipagtulungan sa Canada at kanilang defence contractors para tiyakin na ang hardware ay available sa amin kapag kinailangan namin ito sa bilang na aming nire-require.
Ang kanyang apela ay dumating habang nahihirapan ang pederal na gobyerno na makakuha ng kinakailangan na equipment para sa Canadian Army sa Europa at nahaharap sa mga reklamo mula sa mga sundalo tungkol sa edad at kalidad ng kanilang mga armas at protective equipment.
Ang Canada ay nakapag-donate na ng higit $1 bilyon na halaga ng military hardware sa Ukraine, kasama ang lightly-armoured patrol vehicles, isang sopistikadong air defence system, mas lumang anti-tank weapons, Leopard 2 main battle tanks at 155 millimetre howitzers. Hindi lahat ng equipment na ito ay nai-deliver na.
Habang nagpahayag ng pasasalamat si Reznikov sa Canada sa kanyang talumpati, ang mga Ukrainian na opisyal sa Kyiv ay pribadong nagpahayag ng kanilang frustration sa bilis ng deliveries at nakiusap sa Canada na mag-set up ng mas structured system at bigyan ang Ukraine ng direktang access sa Canadian defence establishment.
Inilatag din ng Ukrainian defence minister ang isang marker sa kanyang talumpati, sinabi niyang umaasa siya na makakasama sa paparating na reset sa defence policy ng Canada — na tinatrabaho ng Liberal na gobyerno sa loob ng higit isang taon — ang nagpapatuloy na pangako sa kanyang bansa.
Inaasahan namin na ang isang substantial volume ng technical assistance sa Ukraine ay maibibigay sa loob ng framework ng defence policy review, na nakaiskedyul ilabas sa Hulyo,
aniya.
Basahin ang buong istorya rito. (bagong window)
Bahagi ng artikulo ni Murray Brewster (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.