1. Home
  2. Teknolohiya
  3. Social Networks

Meta ilulunsad ang paid verification system para sa users sa Canada

Blue checkmak katabi ang mga screen na naglalaman ng iba't ibang account ng Instagram.

Iro-roll out ng Meta ang verification badge na maaaring makuha ng users para maberipika ang kanilang identity at makakuha ng iba pang perks, para sa monthly fee.

Litrato: Meta

RCI

Ang presyo ay $15.99 para sa web-based version at $19.99 para sa mobile.

Ang Meta, ang may-ari ng Facebook at Instagram, ay maglulunsad ng test ng isang bagong verification system sa Canada, na magkakahalaga ng hanggang $19.99 kada buwan para sa bersyon ng app na may kasamang enhanced features.

Sinabi ng kompanya na simula ngayon, ite-test nito ang tinatawag nilang subscription bundle para sa web-based at mobile app na hindi lang bineberipika ang identity ng user sa pamamagitan ng government ID, ina-unlock din nito ang iba’t ibang support services para sa mga creator.

Ang sinuman na may Instagram o Facebook account ay eligible para mag-sign up, ngunit dapat sila ay edad 18 pataas at ang mga negosyo ay exempted. Ang app-based version ay magkakahalaga ng $19.99 kada buwan, habang ang web-based version ay magiging mas mura, sa halagang $15.99.

Ang Canada ang pinakahuling bansa na naidagdag sa service, ito ay inilunsad na sa Australia at New Zealand noong Pebrero, kasunod ang Estados Unidos noong Marso at U.K. nitong buwan.

Bukod sa dagdag na proteksyon mula sa impersonation, mas maraming support services at iba pang frills, ang sinuman na magsa-sign up para sa serbisyong ito ay makakakuha ng verified badge sa kanilang profile.

PANOORIN | Paano ka maaapektuhan ng pagbabayad para maging verified sa social media?

Sa pangmatagalang panahon, nais namin magtaguyod ng isang subscription offering na valuable para sa paid subscribers, kasama ang creators at mga negosyo, sabi ng Meta. Bilang parte ng vision na ito, binabago namin ang kahulugan ng verified accounts sa aming mga app para mapalawak namin ang access sa verification at mas maraming tao ang magtiwala na ang accounts na kanilang nakaka-interact ay totoo.

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita