1. Home
  2. Sining
  3. Musika

Filipino Canadian hip-hop artists lumilikha ng natatanging tunog

Pinagsama-samang litrato nina Manila Grey, Han Han at Lex Junior.

Manila Grey (kaliwa), Han Han (gitna) at Lex Junior (kanan) ay lumilikha ng musika na ipinagdiriwang ang kanilang Filipino heritage.

Litrato: Sharad Ghadia, Gillian Mapp, Spotify

RCI

Isinasama nina Manila Grey, Han Han at Lex Junior ang kulturang Pilipino sa kanilang musika.

Manila Grey, ang pares na binubuo nina Neal Carlo (Neeko) Zabalathe at singer na si Justin (Soliven) Villarosa na nakabase sa Vancouver, ay isa sa ilang emerging Filipino Canadian hip-hop acts na lumilikha ng natatanging sonic path sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanilang kultura, pinagsasama ang tradisyonal na musikang Pilipino sa rap. Ang resulta ay musika na personal at ikinokonekta ang mga artist sa kanilang pinanggalingan, habang ipinapakilala ang mga bagong tunog sa mas malawak na diaspora.

Ang musika ay medium lamang, alam mo ‘yun, ang layunin ay itanim ang pride sa mga Pilipino na ang kanilang kultura ay sapat na, ani Han Han, isang rapper na nakabase sa Toronto na ang musika ay ine-explore kung paano siya nabubuhay sa mundo bilang isang imigranteng Pilipina.

Mula nang mag-umpisa ang Manila Grey, niyakap na nina Neeko at Justin ang kanilang heritage sa pangalan pa lang ng grupo: ang Manila ay pagbibigay-pugay sa kapitolyo ng Pilipinas kung saan nanggaling ang dalawang musikero, at ang Grey naman ay patungkol sa makulimlim na kalangitan ng Vancouver, kung saan sila nag-migrate.

Ang mga awitin ng grupo ay puno ng cultural references. Ang tagos sa pusong awitin na Motherland ay itinatampok ang makapukaw-damdamin na lyrics tungkol sa journey ng dalawa para mahanap ang tagumpay sa Canada matapos iwan ang kanilang tahanan.

"Sa tingin ko ang kantang ito ay nagta-touch base sa pagma-migrate sa Canada bilang first generation immigrant at ipinapakita ang pagmamahal sa aming pinanggalingan, at laging dala ang pag-ibig na iyon kung saan kami nanggaling," ani Soliven.

Katulad ng Manila Grey, lumikha rin si Lex Junior ng isang naiibang musika na ipinapakita ang kanyang pagkakakilanlan bilang Pilipino. Regular niyang inilalagay sa kanyang mga awitin ang kulintang instrumentation (isang uri ng Filipino gongs mula sa Mindanao at Sulu islands). Nadiskubre niya ang Katutubong musikang Pilipino sa paglalakbay sa Mindanao, at sinimulang mag-eksperimento ng kanyang sariling musika pagbalik sa Canada. Sinimulan kong ihalo ang mga sample, just having fun with it, paliwanag niya.

Matagal ko nang gustong i-explore ang side na ito ng aking sarili with my roots at dalhin ito sa mas malaking landscape, dagdag pa ni Junior.

Ngayon, lumilikha si Junior ng intricate beats gamit ang mga gong — na kanyang tinutugtog — at nasasaksihan ng mga tao ang kanyang paglikha ng bagong musika sa maiikling jamming videos na pino-post niya sa Instagram.

Nagprodyus din si Junior para kay Han Han, na gumagamit ng kulintang instrumentation sa kanyang mga kanta. Ang dalawa ay nag-collaborate sa high-energy tracks tulad ng LDR at "World Gong Crazy (bagong window)," na ipinapakita ang pagra-rap ni Han Han sa Tagalog at Cebuano, isa pang wikang Pilipino.

Ang pangunahing dahilan kung bakit ako nagra-rap sa Filipino ay dahil kung gusto mong maging artist, kailangan mong maging tapat, at puwede ka lang maging tapat sa isang wika na ganap mong maipapahayag ang iyong sarili, tama? aniya.

Talagang passionate ako tungkol sa kultura at pagsulong sa mga Pilipino na mapansin sa Canada sa music scene, dagdag pa ni Han Han, ipinaliwanag niya na ang paglikha ng musika ay nakatulong na muli niyang madiskubre ang kanyang pagkakakilanlan.

Para kay Han Han, Junior at Manila Grey, ang paghalo ng kulturang Pilipino sa kanilang musika ay isang conscious choice, at ang paggamit ng mga sample ay isang maliit na piraso sa overall identity puzzle.

Basahin ang buong istorya rito. (bagong window)

Isang artikulo ni Natalie Harmsen (bagong window), CBC Music na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita