1. Home
  2. Ekonomiya
  3. Economic Indicators

GDP ng Canada tumaas noong unang quarter ng 2023

Isang manggagawa sa isang construction site.

Ang ekonomiya ng Canada ay lumago sa taunang rate na 3.1% sa 1st quarter, ayon sa Statistics Canada.

Litrato: iStock

RCI

Lumaki ang ekonomiya ng Canada sa annualized rate na 3.1% noong unang quarter.

Ang real domestic gross product (GDP) ay tumaas ng 0.8% sa unang quarter ng 2023 matapos maging flat noong nakaraang quarter, iniulat ng Statistics Canada ngayong Miyerkules.

Lumaki ang pag-export ng goods and services ng 2.4% sa unang tatlong buwan ng kasalukuyang taon, matapos tumaas ng 0.5% sa ikaapat na quarter noong 2022. Ang pinakahuling paglago ay na-stimulate ng pag-export ng passenger cars at light trucks. Samantala, ang pag-aangkat ng good and services ay tumaas ng 0.2% matapos bumaba ng 3.3% noong huling quarter ng 2022.

Dagdag pa ng Statistics Canada matapos ang dalawang quarter ng bahagyang pag-unlad, tumaas ang household spending sa goods and services sa unang quarter ng 2023.

Kinalkula ng pederal na ahensya na ang ekonomiya ng Canada ay lumaki sa annualized rate na 3.1% noong unang quarter. Ipinapakita ng huling datos na nalampasan ng pag-unlad ang sariling forecast ng Statistics Canada na nasa 2.5% para sa naturang quarter.

Ang patuloy na katatagan ng ekonomiya ay malamang magbubunsod ng posibleng rate hike, habang ang Bank of Canada ay inaasahang mag-aanunsyo tungkol sa interest rate sa susunod na linggo.

Isang artikulo ng The Canadian Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita