- Home
- Kapaligiran
- Pagbabago ng Klima
Parating na ang El Niño. Ano’ng kahulugan nito para sa Canada?
Naaapektuhan ng El Niño ang Canada sa taglamig at tagsibol, na nagdadala ng mas banayad na temperatura

Satellite sea surface temperature departure sa Pacific Ocean para sa buwan ng Oktubre 2015, kung saan ang darker orange-red colours ay above normal temperatures at indikasyon ng El Niño.
Litrato: Agence américaine d'observation océanique et atmosphérique (NOAA)
Ang pag-init sa isang rehiyon ng Dagat Pasipiko ay senyales ng isang potensyal na El Niño, na nakakaapekto sa taya ng panahon sa buong mundo.
Ang na-forecast na El Niño ay maaaring maging banayad, o malakas, tulad nang naganap noong 1997–1998 at 2015–2016, naitala sa mga taong ito ang pinakamataas na temperatura na nairekord sa mundo kailanman.
Habang ang forecasting ay naging mas mahusay sa paglipas ng ilang dekada, nananatili pa rin ang katanungan kung ano ang mga potensyal na consequences para sa mga bansang hinaharap na ang isang umiinit na mundo, lalo na sa Canada, na umiinit ng doble sa global rate.
Ang problema, hindi lahat ng mga El Niño ay nilikhang pantay-pantay, kaya ano ang dapat nating asahan?
Karaniwan, ang El Niño ay nakakaapekto sa Canada sa taglamig at tagsibol, na nagdadala ng mas banayad na temperatura, partikular sa hilagang-kanluran, kanluran at Central Canada.
Habang hindi ito karaniwang nakakaapekto sa Eastern Canada, maaaring bawasan nito ang bilang ng mga bagyo.
Basahin ang buong istorya mula kay Nicole Mortillaro ng CBC (bagong window).
Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.