1. Home
  2. Politika
  3. Pederal na Politika

Bagong lider nangako ng pagbabago at paglago sa RCMP

Sinabi ni Michael Duheme na recruitment ang kanyang unang prayoridad bilang commissioner

Isang lalaki na nakaharap sa mikropono habang ang isang kamay ay nasa kanyang baba.

RCMP Commissioner Michael Duheme (archives)

Litrato: La Presse canadienne / Michael Duheme

RCI

Ang bagong commissioner ng Royal Canadian Mounted Police (RCMP) ay sinabi na nais niyang itulak ang “pagbabago at paglago” sa national police service habang opisyal niyang in-assume ang command noong Huwebes.

Pormal na umupo si Michael Duheme bilang Royal Canadian Mounted Police commissioner sa isang seremonya sa Gatineau, Que.

Si Duheme, isang beterano sa pagpapatupad ng batas na may 35 taon na karanasan, ay naging pansamantalang commissioner noong Marso kasunod ng pagreretiro ng dating top Mountie na si Brenda Lucki.

Hahawakan niya ngayon ang puwersa ng pulisya na binabatikos dahil sa scope ng kanilang mandato, kanilang kultura at mga katanungan ukol sa kanilang kakayahan.

Sinabi ni Duheme na siya ay magha-hire ng mas maraming Mounties bilang kanyang unang gawain. Gusto kong lumago ang ating bilang, kaya ang una kong prayoridad, habang tayo ay sumusulong, ay ang recruitment, aniya.

Ang Royal Canadian Mounted Police ay may humigit-kumulang 19,000 uniformed officers at 11,000 na sibilyan.

Tinawag ng isang independienteng advisory board ang sitwasyon ng recruitment sa puwersa na isang krisis sa ulat na inilabas nitong unang bahagi ng taon, at nanawagan na i-overhaul ang pagsasanay ng officer.

Basahin ang buong istorya rito (bagong window).

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita