- Home
- Politika
- Imigrasyon
Quebec pinarampa ang French language requirements para sa mga imigrante
Sinabi ni Premier François Legault na ang kanyang tungkulin ay protektahan ang Pranses
Québec Premier François Legault (archives)
Litrato: Radio-Canada / Sylvain Roy Roussel
Ipinakilala ni Premier François Legault ang striktong bagong requirements na gagawing mandatory para sa halos lahat ng economic immigrants sa Quebec na makapagsalita at makapagsulat sa wikang Pranses.
Ang unang responsibilidad ko bilang premier ng Quebec ay tiyakin na ang ating pagkakakilanlan ay maprotektahan,
ani Legault sa isang press conference noong Huwebes ng hapon sa National Assembly.
Ako lang ang pinuno ng estado sa America na kumakatawan sa majority ng French speakers, kaya mayroon akong responsibilidad sa kasaysayan, upang protektahan at ipagpatuloy ang 400 taon na paglalakbay ng Francophone nation,
aniya.
Ang plano ay may ilang hakbang upang higpitan ang French-language requirements, kabilang ang:
Gawing mandatory para sa economic immigrants ang magkaroon ng at least intermediate knowledge ng French (dati maaari silang magkaroon ng puntos para sa kaalaman ng French pero hindi ito obligatory).
Pag-boost sa French-language knowledge requirements para sa temporary foreign workers at foreign students sa ilalim ng Quebec Experience Program, (bagong window) na kilala rin bilang PEQ.
Pag-require sa mga tao na iisponsoran ang mga kamag-anak na pupunta sa Quebec sa ilalim ng family reunification program na magsumite ng "integration plan" para sa mga kamag-anak edad 18-55 na matuto ng French.
Sinabi ni Legault na ang layunin ng plano ay para ang 100 porsyento ng economic immigrants sa probinsya ay makapagsalita ng French at makapagsulat sa French.
Sa loob ng maraming taon, nakikita natin taon-taon, ang persentahe ng francophones sa Quebec ay bumababa,
sabi ng premier.
Sa tingin ko kung nais nating tiyakin na makapagsasalita pa rin tayo ng Pranses sa Quebec sa loob ng mahabang panahon, importante na pigilan natin ang pagbaba at simulang makita ang pagtaas.
Gayunpaman, ang plano sa imigrasyon ay may kaunting flexibility.
Tinatanggal nito ang cap at pinaluluwag ang restrictions sa ilang foreign students at foreign workers na kwalipikadong mag-migrate sa Quebec sa ilalim ng
PEQ. Ang lebel ng French na required sa economic immigrants ay mag-iiba depende sa uri ng trabaho na kanilang gagampanan.Ang levels ng edukasyon ay hindi pare-pareho lahat, kaya ginawa natin ang requirements na mas mababa para sa mga taong may mas manual o intermediate skills,
ani Legault.
Ang plano ay pinahihintulutan din ang exceptions para sa mga taong may exceptional talents,
na inilalarawan bilang pambihira at kakaibang pagka-eksperto na maaaring mag-ambag sa pag-unlad ng ekonomiya.
Basahin ang buong istorya rito. (bagong window)
Bahagi ng artikulo ni Steve Rukavina (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.