1. Home
  2. Politika
  3. Pederal na Politika

Canada gagastos ng $2.5B para gumawa ng coast guard vessels

Ang pera ay mapupunta sa 61 small vessels tulad ng small craft, barges, work boats at modernong equipment

Gilid ng isang barko.

Isang barko sa Sea Island coast guard station malapit sa Vancouver International Airport.

Litrato: CBC News / David Horemans

RCI

Sinabi ng pederal na gobyerno na ang bagong pondo upang gumawa ng dose-dosenang maliliit na sasakyang pandagat para sa Canadian Coast Guard ay parte ng renewal ng ahensya at tutulong upang panatilihin ang waterways ng Canada na navigable at ligtas.

Ngayong Huwebes, sa magkasamang pag-anunsyo sa Vancouver at St. John’s, sinabi ng Fisheries and Oceans Canada at ng Ministry of Public Services and Procurement na ang pederal na gobyerno ay gagastos ng $2.5 bilyon para gumawa ang mga kompanya sa Canada ng 61 na maliliit na sasakyang pandagat para sa coast guard.

Sinabi ng mga ministro na ang bagong maliliit na sasakyang pandagat, kabilang ang small crafts, barges at work boats, ay pahihintulutan ang coast guard na mas mahusay na mag-operate sa mababaw na coastal waters at inland lakes at rivers kung saan hindi makakapunta ang mga malalaking barko.

Ito ay isang kritikal na investment na tutulong sa pag-modernize ng maliit na vessel fleet ng Canadian Coast Guard, ani Minister of Fisheries, Oceans and the Canadian Coast Guard Joyce Murray.

Sinisigurado namin na ang Canadian Coast Guard ay may equipment na kailangan nila para panatilihing ligtas ang Canadians at ang waterways ng Canada, habang lumilikha ng mga trabahong may magandang sahod sa buong bansa.

Sinabi ni Murray na ang investment ay magbibigay sa coast guard ng dose-dosenang iba’t ibang uri ng sasakyang pandagat tulad ng inshore science vessels, enforcement boats at search and rescue lifeboats, na kukumpletuhin ang renewal ng kanilang small-vessels fleet.

Bilang parte ng National Shipbuilding Strategy ng Canada, ang mas maliit na shipyards sa bansa ay maaaring mag-bid para sa paggawa ng mga sasakyang pandagat. Sa ngayon, ang mga shipyard ng Canada ay nakapag-ambag na ng 16 na maliit na sasakyang pandagat, 14 na search and rescue lifeboats at dalawang channel survey at sounding vessels sa coast guard.

Ang National Shipbuilding Strategy ay isang pangmatagalan, multi-billion-dollar na programa na nakapokus sa pagre-renew ng coast guard at ng mga fleet ng Royal Canadian Navy.

Kaugnay na ulat

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita