- Home
- Teknolohiya
- Cybersecurity
Canada iimbestigahan ang paggamit ng ChatGPT ng personal na impormasyon
Ang joint investigation ay inanunsyo sa isang pahayag ngayong Huwebes

Sinabi sa reklamo na nagbunsod ng isang imbestigasyon sa OpenAI na ang kompanya ay nangolekta, ginamit at isiniwalat ang personal na impormasyon na walang pahintulot.
Litrato: Peter Morgan/The Associated Press/The Canadian Press
Ang pederal at probinsyal na mga awtoridad sa Canada ay magkakaroon ng magkasamang imbestigasyon sa OpenAI, ang kompanya sa likod ng chatbot na ChatGPT na pinapagana ng artificial intelligence, matapos makatanggap ng reklamo tungkol sa pagsisiwalat ng personal na impormasyon ng kompanya.
Sinabi sa isang pahayag ngayong Huwebes na ang mga probinsyal na awtoridad sa Alberta, British Columbia at Quebec ay sumali sa imbestigasyon na inilunsad ng Office of the Privacy Commissioner of Canada noong Abril dahil sa isyu na nakakaapekto sa mga tao sa buong bansa.
Dahil sa malawak na saklaw at mahalagang epekto sa privacy ng artificial intelligence at ang kaugnayan nito sa lahat ng Canadians, ang apat na opisina ay nagdesisyon na magkasamang imbestigahan ang bagay na ito,
ayon sa pahayag.
Nagbunsod ng imbestigasyon ang reklamo na kini-claim na ang kompanya ay nangolekta, gumamit at inilantad ang personal na impormasyon na walang pahintulot.
Susuriin ng imbestigasyon kung ang OpenAI ay nakatanggap ng valid at meaningful
na information-sharing consent mula sa ChatGPT users na nakabase sa Canada. Titingnan din nito kung ang kompanya ay gumamit ng impormasyon para sa unreasonable o illegitimate reasons.
Sinabi sa pahayag na ang privacy offices ay kadalasan magkasamang nagtatrabaho pagdating sa mga isyu na may nationwide implications dahil ang privacy laws sa lahat ng apat na probinsya ay substantially pareho
ng federal legislation.
Kinontak ng CBC News ang OpenAI para magkomento.
Ang OpenAI ay isang California-based research and development firm na itinayo ni Elon Musk kasama ang iba pa, at isa ang Microsoft at billionaire entrepreneur na si Peter Thiel sa mga investor nito.
Ang ChatGPT ay isang programa na idinisenyo para mag-generate ng human-like responses kapag nag-type ang users ng mga katanunagn o tasks, mula sa pagsusulat ng email hanggang sa pagpaplano ng bakasyon.
Kaugnay na mga ulat
- Canadian AI lider natatakot na mag-takeover ang computer
- Gobyerno ng Alberta inilunsad ang kanilang unang public artificial intelligence lab
Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.