- Home
- Politika
- Trabaho
Quebec nagpakilala ng bagong eksepsyon sa child labour laws
Ang mga bata edad 12 ay maaaring magtrabaho sa maliit na agricultural businesses

Quebec Labour Minister Jean Boulet
Litrato: CBC News / Sylvain Roy Roussel
Inamyendahan ni Quebec Labour Minister Jean Boulet ang kanyang law project, ang Bill 19, na nire-regulate ang pagtatrabaho ng mga kabataan sa probinsya upang pahintulutan ang mga bata edad 14 pababa na magtrabaho sa agrikultura, kung ang negosyo ay may maximum na 10 empleyado.
Ang iminungkahing batas, na ipinanukala noong Marso, ay nilimitahan sa 17 ang bilang ng oras kada linggo na maaaring magtrabaho ang Quebecers edad 16 pababa sa loob ng school year. Itinakda rin nito ang minimum legal working age sa 14 — na may ilang exceptions para sa mga trabaho tulad ng babysitting at tutoring.
Perong ang pagbabago ni Boulet ay pahihintulutan ang maliliit na agricultural business na ma-exempt mula sa bagong minimum working age at pagtrabahuhin ang mga kabataan na kasing bata ng 12.
Ang mga bata ay maaaring gumawa ng magaan na trabaho o umani ng mga prutas o gulay, alagaan ang mga hayop, o magbungkal ng lupa,
ayon sa amendment.
Ang amendment ay in-adopt noong Martes, at ang Québec solidaire — na tinutulan ang anumang exemption — at ang Quebec Liberal Party ay pabor dito.
Ang bagong exemption ay ine-echo ang mga demand ng employers, na humiling ng mas maraming exemptions upang payagan ang mga bata edad 14 pababa na magtrabaho.
Ang amendment ay hiniling ng Union of Agricultural Producers (UPA), na ipinahayag ang kanilang alalahanin na ang Bill 19 ay ipagdadamot ang isang malaking workforce sa kanilang mga miyembro, lalo na sa summer season.
Kaugnay na ulat
Bahagi ng artikulo ng The Canadian Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.