- Home
- Agham
- Mga Hayop
Bagong pag-aaral nagbabala ukol sa mabilis na pagkawala ng wildlife
Halos kalahati ng 70,000 animal species ay nakakaranas ng pagbaba ng populasyon ayon sa pag-aaral

Ang northern leopard frog ay ang pinaka-endangered amphibian sa British Columbia.
Litrato: CBC News / Ben Nelms
Isang bagong pag-aaral ang itinaas ang alarma tungkol sa pagkawala ng wildlife sa mundo, inilalarawan ang tinatawag ng mga may-akda na “mas nakakaalarmang picture” ng pagbaba ng populasyon ng species sa buong mundo kaysa dating inakala.
Sa mahigit 70,000 animal species na sinuri ng mga researcher sa pinakahuling pag-aaral na inilathala sa Biological Reviews, 48 porsyento ang napag-alaman na bumababa ang populasyon.
Ang nararanasan natin ngayon ay ang simula ng tinatawag natin na mass extinction,
ani Daniel Pincheira-Donoso, isang evolutionary at climate change biologist sa Queen's University Belfast at ang lead author ng naturang pag-aaral.
Global species populations hindi tumataas bagkus karamihan ay bumababa
Ang global species population ay hindi tumataas.
Litrato: CBC News
Maraming conservation estimates ang sinusukat lamang kung ang isang species ay kasalukuyang nanganganib na ma-extinct, pero ang pag-aaral na ito ay tumutulong na maunawaan ang direksyon na patutunguhan ng species — tatlong porsyento lamang ng mga iniksamen na species ang nadiskubre na tumataas ang populasyon.
Basahin ang buong istorya rito (bagong window).
Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.