1. Home
  2. Politika
  3. Pambansang Pagtatanggol

PM binisita ang Winnipeg matapos ilabas ang foreign interference report

Nakaiskedyul na lumahok si Justin Trudeau sa isang town hall Miyerkules ng gabi

Trudeau kasama ang isang lalaki at babae na estudyante.

Prime Minister Justin Trudeau umikot sa The Forks kasama ang high school students sa Winnipeg ngayong Miyerkules ng umaga.

Litrato: CTV pool feed

RCI

Si Prime Minister Justin Trudeau ay nasa Winnipeg upang makipagkita sa mga Indigenous high school students at mag-anunsyo tungkol sa pagpoprotekta ng sariwang tubig.

Siya rin ay nakaiskedyul na maging parte ng isang town hall kinagabihan.

Ang pagbisita ay naganap isang araw matapos sabihin ng special rapporteur na ang isang pormal na imbestigasyon sa foreign interference o panghihimasok ng mga dayuhan ay hindi kinakailangan.

Sinabi ng dating governor general na si David Johnston na plano niyang magsagawa ng sariling pampublikong pandinig tungkol sa isyu sa huling bahagi ng taon.

Hiniling ni Trudeau kay Johnston na imbestigahan ang lawak at epekto ng panghihimasok ng mga dayuhan sa Canada, sa gitna ng mga alegasyon na nakialam ang Tsina sa huling dalawang pederal na eleksyon.

Ang Manitoba ay tahanan ng Winnipeg South Centre at Portage-Lisgar, dalawa sa apat na ridings kung saan ang federal byelections ay nakaiskedyul para sa Hunyo 19. Ang dalawa pa ay nasa Quebec at Ontario.

Isang artikulo ng The Canadian Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita