1. Home
  2. Kalusugan
  3. Pampublikong Kalusugan

Pagpunta ng mga buntis sa ER tumaas dahil sa paggamit ng cannabis

Malalang morning sickness ang pinakamalaking panganib sa paggamit ng cannabis sa bagong pag-aaral sa Ontario

Inu-ultrasound ang isang buntis.

Isang bagong pag-aaral ang nagpapakita na maliit na persentahe ng emergency room visits at hospitalizations ay kaugnay ng paggamit ng cannabis ng mga nagdadalang-tao.

Litrato: Shutterstock / Serhii Bobyk

RCI

Sinabi ng mga researcher sa likod ng bagong pag-aaral na iminumungkahi ang pagtaas ng pagbisita sa ospital ng mga buntis kaugnay ng paggamit ng cannabis na sila ay concerned tungkol sa potensyal na mga panganib, kasama ang premature births at mababang birth weights.

Ang research paper, na inilathala noong Lunes sa Canadian Medical Association Journal, ay sinundan ang datos mula sa halos isang milyong pagbubuntis sa Ontario sa pagitan ng Enero 2015 at Hulyo 2021.

Sa mga ito, isang maliit na bilang — 540 na nagdadalang-tao — ang binisita ang emergency room o naospital dahil sa paggamit ng cannabis, ayon sa health administrative data na kinompile ng mga researcher.

Karamihan sa mga kaso, 390, ay emergency room visits. Pero ang rate ng acute care, hospital visits ay tumaas matapos maging legal ang cannabis para sa recreational use noong Oktubre 2018, mula 11 kada 100,000 pregnancies naging 20 kada 100,000, ayon sa pag-aaral.

Ang pangunahing may-akda, family physician at public health researcher na si Dr. Daniel Myran, ay sinabi na habang ang mga insidente na ito ay pambihira, ang mga ito ay seryoso, at ang tumataas na rate ay nakakabahala.

Basahin ang buong istorya rito (bagong window).

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita