- Home
- Ekonomiya
- Economic Indicators
Households mas malaki na ang utang kaysa sa buong GDP ng Canada
Ang households sa ibang bansa ay nagbabayad ng utang, pero hindi ito ang kaso sa Canada

Canadian households mas malaki na ang utang bilang persentahe ng kabuuang ekonomiya kaysa sa karamihan ng developed nations.
Litrato: Bloomberg / Simon Dawson
Mas lubog sa utang ang Canadian households kaysa sa anumang tahanan na nasa G7 na bansa, at ang halaga ng kanilang utang ngayon ay mas mataas pa kaysa sa halaga ng buong ekonomiya ng Canada.
Ito ang isa sa main takeaways ng isang bagong report mula sa housing agency ng Canada, ang Canada Mortgage and Housing Corporation (CMHC), na sinusuportahan ang housing market ng bansa sa pamamagitan ng mortgage insurance.
Sa isang ulat na inilathala noong Martes, sinabi ng deputy chief economist ng
CMHC, si Aled ab Iorwerth, na ang ekonomiya ng Canada ay mas nanganganib sa anumang krisis na maaaring umusbong dahil sa nagpatong-patong na utang ng Canadian households.Ang napakataas na lebel ng household debt ng Canada — ang pinakamataas sa G7 — ay ginagawang vulnerable ang ekonomiya sa anumang global economic crisis,
aniya.
Kapag maraming households sa isang ekonomiya ang malaki ang utang, ang sitwasyon ay mabilis na magde-deteriorate, tulad ng nasaksihan natin sa Estados Unidos noong 2007 at 2008.
Habang ang ilang households ay binabayaran ang kanilang utang, ang Canadians mas lalo pang umuutang
Ang mga numero sa baba ay ipinapakita ang household debt levels bilang persentahe ng GDP ng bansa, ayon sa IMF
Isang tsart na nagpapakita ng utang ng Canadian households.
Litrato: CBC / CMHC
Basahin ang buong istorya rito (bagong window).
Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.