1. Home
  2. Teknolohiya
  3. Artificial Intelligence

Canadian AI lider natatakot na mag-takeover ang computer

Sinabi ni Geoffrey Hinton na maaaring lipulin ng AI ang mga tao

Close up ng mukha ni Geoffrey Hinton na nakataas ang mga kamay.

Ang artificial intelligence pioneer na si Geoffrey Hinton ay British Canadian.

Litrato: (Mark Blinch/Reuters)

RCI

May panahon noon na inisip ni Geoffrey Hinton na hindi malalampasan ng artificial intelligence ang katalinuhan ng tao — at least hindi sa ating lifetime.

Ngayong mga araw na ito, hindi na siya sigurado. Sa palagay ko it's conceivable na ang uri ng advanced intelligence na ito ay maaaring mag-take over mula sa atin, sinabi ng kilalang British Canadian computer scientist kay As It Happens host Nil Köksal.

Mangangahulugan ito na katapusan na ng tao. Si Hinton ay kilala bilang grandfather ng artificial intelligence (AI), ang bansag na kanyang niyakap.

Siya at ang kanyang mga katrabaho ay tumulong idebelop ang artificial neural networks, ang teknolohiya na nasa kaibuturan ng machine learning.

Ang kanyang foundational work ang tumulong sa AI na mabilis na umabante.

Sa huling dekada, hinati niya ang kanyang karera sa pagitan ng pagtuturo sa University of Toronto at pagtatrabaho sa deep-learning artificial intelligence team ng Google.

Pero ngayong linggo, inanunsyo niya ang kanyang resignation mula sa Google sa isang interbyu sa New York Times.

Ngayon nagsasalita si Hinton tungkol sa kinatatakutan niya na pinakamalaking panganib daw na bunga ng kanyang trabaho, kabilang ang paggamit ng gobyerno ng AI upang manipulahin ang eleksyon o lumikha ng mga robot na sundalo.

Basahin ang marami pang bagay na ibinahagi ni Hinton sa kanyang interbyu (bagong window).

PANOORIN | Isang babala tungkol sa artificial intelligence:

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita