1. Home
  2. Kapaligiran
  3. Pagbabago ng Klima

Climate change banta sa produksyon ng maple syrup sa Canada

Itsek ang isang interactive content mula sa Radio-Canada

Kamay na naglagay ng tap sa puno ng maple.

Sa litratong ito, isang harvester ang nag-tap sa puno ng maple (archives).

Litrato:  CBC

RCI

Binabantaan ng climate change ang isa sa pinakamahalagang hiyas ng Quebec: ang maple syrup.

Ang golden syrup na lokal na pinoprodyus sa bansa na kinaiinggitan sa mundo ay maaaring sumailalim sa isang pagsusulit habang ang epekto ng global warming ay nahuhubog sa susunod na siglo.

Ayon sa pinakanegatibong projections, sa ilang rehiyon sa Quebec, ang mga maple ay maaaring matagpuan ang kanilang sarili sa mga bagong growth condition.

Partikular na maaapektuhan ang mga rehiyon sa Quebec na yumayakap sa katimugang baybayin ng St. Lawrence River, tulad ng Montérégie, Centre-du-Québec at ilang parte ng Eastern Townships.

Ang ilang parte ng silangang Ontario at New Brunswick ay inaasahan din na lalabas sa climatic niche ng maple.

Sa bandang huli, karamihan ng kasalukuyang sugar bushes ay maaaring matagpuan ang kanilang sarili sa labas ng pinakamahusay na climatic conditions para sa paglago ng maple pagsapit ng 2100.

Itsek ang interactive content mula sa aming mga kasama sa Radio-Canada (bagong window).

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita