- Home
- Lipunan
Kulang ang measures sa budget para pababain ang mataas na presyo ng bahay sa Canada
Sinabi ng advocates at mga eksperto na kaunti lang ang ginawa ng Canada para tugunan ang affordability crisis

Sinabi ng mga kritiko na hindi sapat ang ginagawa ng Canada para pababain ang presyo ng mga bahay (archives).
Litrato: (Evan Mitsui/CBC)
Maraming industry players, mga eksperto at advocates ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa kakulangan ng mga hakbang sa pinakahuling federal budget upang tugunan ang mataas na presyo ng housing.
Kinikilala ng budget na ang kakulangan sa abot-kayang housing sa Canada ay nagkakaroon ng negatibong epekto sa ekonomiya ng Canada, at mas hina-highlight nito ang mga hakbang na inanunsyo na dati tungkol sa housing at housing affordability.
Tinawag ni Nemoy Lewis, isang assistant professor sa School of Urban and Regional Planning sa Toronto Metropolitan University, ang approach ng budget sa affordable housing na "lackluster" o walang kinang.
Sinabi ni Lewis na nais niyang makita ang lahat ng lebel ng gobyerno na mas malapit na makipagtulungan sa isa’t isa upang makapagpatayo ng mas maraming bahay — lalo na para sa most vulnerable o pinakamahinang mga miyembro ng lipunan.
Basahin ang buong istorya rito (bagong window).
PANOORIN | 'Canadians can't afford this government anymore,' ayon sa isang Conservative MP:
Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.