1. Home
  2. Lipunan
  3. Imigrasyon

Mga migranteng namatay malapit sa Akwesasne sinubukang ilegal na pumasok sa U.S.

6 na katawan, kasama ang 1 bata, ang narekober mula sa St. Lawrence River

Isang helicopter na lumilipad sa ibabaw ng ilog.

Ang Sûreté du Québec helicopter ay makikita sa kalangitan sa ibabaw ng Akwesasne noong Biyernes ng umaga.

Litrato: Radio-Canada / Karine Bastien

RCI

Ang anim na tao na natagpuang patay malapit sa Akwesasne ay mula sa Romania at India at sinusubukang pumasok sa Estados Unidos nang ilegal, ayon sa Mohawk Community Police Service, na nagbigay ng update sa trahedya Biyernes ng umaga.

Isang batang wala pang tatlong taong gulang na may Canadian citizenship ang namatay sa paglubog ng bangka, kinumpirma ng pulisya. Ang iba pang limang biktima ay pawang nasa hustong gulang.

Ngunit maaaring tumaas ang bilang, babala ng pulisya. Ang isa pang bata na Romanian ang lahi ay nawawala pa rin, anila. Nagpatuloy ang search kaninang umaga para mahanap ang paslit.

Ang malagim na discovery ay sumabay sa paghahanap ng nawawalang 30-anyos na miyembro ng komunidad na huling nakita bandang 9:30 Miyerkules ng gabi sa isang maliit na bangkang kulay asul.

Habang isinasagawa ang search para sa missing person na ito, natagpuan ng Royal Canadian Air Force Griffon helicopter ang tumaob na bangka at anim na katawan kahapon ng hapon, ayon sa Canadian Armed Forces (CAF). Dalawa pa ang nawawala sinabi ng Canadian Armed Forces.

Isang lalaking balbas-sarado na nakasuot ng cap.

Huling nakita si Casey Oakes bandang 9:30 p.m. Miyerkules.

Litrato: Service de police mohawk d'Akwesasne

Ang 30-anyos na lalaking nawawala sa komunidad noong Miyerkules ay nagngangalang Casey Oakes. Siya ay wanted pa rin, sinabi ng deputy police chief na si Lee-Ann O'Brien sa isang press briefing ngayong Biyernes. Ang sinumang nakakaalam ng kanyang kinaroroonan o naniniwalang siya ay hawak nila ay pinagbabawalan na makipag-ugnayan sa amin, aniya.

Ang bangkang natagpuan noong Huwebes ay maaaring pareho ng bangka kung saan nakita si Casey Oakes noong Miyerkules ng gabi, dahil, ayon kay Deputy Chief O'Brien, ang bangkang pinag-uusapan ay tumutugma sa paglalarawan na ibinigay ng mga saksi.

Ontario Provincial Police at Sûreté du Québec nagsilbing reinforcements

Ang pulisya ng Akwesasne ay humingi ng tulong sa kanilang mga kasamahan sa Ontario at Quebec para sa imbestigasyon. More specifically, ang helicopter, diver at reconstructionist ay tutulong sa aming mga kasamahan, paliwanag ng tagapagsalita para sa Sûreté du Québec na si Audrey-Anne Bilodeau.

That said, may ground to cover, babala ng kanyang dating police college na si François Doré, na retirado na ngayon. Dahil ang teritoryo ng Akwesasne ay partikular na malawak, binigyang-diin niya sa panayam ng Radio Canada International kaninang umaga.

Sa kontekstong ito, ang papel ng mga reconstructionist ay magiging mahalaga sa tagumpay ng imbestigasyon, ayon kay Doré. Ang kanilang tungkulin, ipinaliwanag niya, ay ang pagtatatag ng timeline ng mga kaganapan, kung saan nagmula ang pangyayari, at kung saan [patungo ang mga sangkot sa paglubog].

Upang gawin ito, ang mga reconstructionist ay kailangang suriin ang lupa, umaasa na makakahanap ng ebidensya, tracks, mga bakas, mga bagay na iniwan ng mga taong naglakbay, na naroon.

Isang aerial view ng baybayin ng Akwesasne sa taglamig.

Ang komunidad ng Akwesasne ay sumasaklaw sa mga border ng Ontario, Quebec at New York State. (File photo)

Litrato: Associated Press / Seth Wenig

Ang geographical location ng komunidad ng Akwesasne ay ginagawa itong mas vulnerable sa mga ilegal na pagtawid. Ikinalungkot din ng pulisya ng Akwesasne ang pagdami ng iregular na pagtawid sa teritoryo, noong nakaraang buwan.

Noong Abril 2022, halimbawa, isang smuggler ang inaresto at kinasuhan ng human trafficking sa Estados Unidos matapos ang pagkawasak ng isang barko kung saan anim na Indian migrants na hindi marunong lumangoy ang nailigtas in extreme circumstances.

Nakakasakit ng damdamin ang balita mula sa Akwesasne, itinuweet ni Federal Public Safety Minister Marco Mendicino kaninang umaga. Nakipag-ugnayan ako kay Grand Chief Abram Benedict para ipahayag ang aming pakikiramay. Habang naghihintay ng karagdagang impormasyon, nasa isip ko ang mga kamag-anak ng mga biktima.

Nasa aking isip ang komunidad ngayong umaga, nag-tweet din ang kanyang Quebec counterpart na si François Bonnardel at idinagdag na siya at ang kanyang team ay sinusubaybayan nang mabuti ang sitwasyon.

Isang artikulo ng Radio Canada International na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

May kasamang files mula sa The Associated Press, CBC at Karine Bastien

Mga Ulo ng Balita