1. Home
  2. Kalusugan
  3. Kanser

Canadian researchers nakita ang bagong gene mutation na may link sa breast cancer risk

Ang pag-aaral ay mahalaga dahil anumang impormasyon na alok nito ay maaaring gamitin sa prevention

Isang lalaki sa loob ng laboratoryo.

Dr. Mohammad Reza Akbari, isang siyentipiko sa Women's College Hospital sa Toronto, ang principal investigator sa isang pag-aaral na nakadiskubre ng bagong gene mutation na maaaring may kaugnayan sa breast cancer.

Litrato:  (CBC News)

RCI

Isang grupo ng mga researcher na pinangunahan ng isang Canadian scientist ang na-identify ang isang pambihirang gene mutation na maaaring may kaugnayan sa increased risk ng breast cancer.

Sa isang peer-reviewed study na inilathala noong Lunes sa American Journal of Human Genetics, na-identify ng mga researcher ang mutation ng isang gene na tinatawag na ATRIP.

Ang findings ay maaaring may implikasyon sa hinaharap para sa prevention at treatment ng breast cancer sa ilang pamilya, ani Dr. Mohammad Reza Akbari, ang principal investigator at isang siyentipiko sa Women's College Hospital sa Toronto.

Maaari na makatulong ito sa mga pamilyang iyon, maiwasan ang kanser sa kanila o gamutin ang kanilang breast cancer ng mas efficient, ani Akbari.

Bagama’t ang ATRIP mutation ay mukhang hindi gaanong karaniwan kaysa sa iba pang gene mutations na kasalukuyang ini-screen ang mga tao, tulad ng BRCA1 at BRCA2, sinabi ni Akbari na iminumungkahi ng findings na ang mga tao na may mutation ay dalawa hanggang tatlong beses na mas mataas ang tsansa na magdebelop ng breast cancer kaysa sa general population.

Basahin ang buong istorya rito (bagong window).

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita