1. Home
  2. Ekonomiya
  3. Economic Indicators

Ekonomiya ng Canada nakabawi noong Enero

Ang ilang sektor ay nagpakita ng turnaround mula sa pagdausdos noong Disyembre

Top shot ng mga taong kumakain sa restawran.

Paglago sa food services sector nakatulong sa paglaki ng ekonomiya ng Canada noong Enero, ayon sa Statistics Canada.

Litrato: CBC News / Laura Meader

RCI

Nakabawi ang ekonomiya ng Canada noong Enero, lumaki ang real gross domestic product ng 0.5% sa buwan na iyon, iniulat ng Statistics Canada ngayong Biyernes.

Ang mga numero na ito ay dumating mula sa pagliit na 0.1% noong Disyembre.

Sinabi ng Statistics Canada na ang main drivers ng paglago noong Enero ay ang pinakamalaking contributors din ng pagbaba noong Disyembre.

Noong Enero, ang wholesale trade, transportasyon at warehousing, at mining, quarrying at oil and gas extraction sectors ay nakabawi lahat mula sa pagbaba na nairekord noong nakaraang buwan, sinabi ng pederal na ahensya.

Matapos manatiling flat noong second half ng 2022, ang accommodation at food services sector ay isa sa mga top contributor ng paglago noong Enero.

Ang advance figures para sa Pebrero ay ipinapahiwatig na patuloy na lumaki ang ekonomiya sa buwan na iyon, bagama’t ang 0.3% increase ay mas kaunti kaysa sa nakita noong Enero.

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita