1. Home
  2. Ekonomiya
  3. Trabaho

Minimum wage sa Ontario tataas sa $16.55 kada oras sa Oktubre

Isinulong ng labour advocates at opposition parties ang $20 per hour minimum wage

Skyline ng Toronto habang may watawat ng Canada sa foreground.

Pagsapit ng Oktubre, ang minimum wage sa Ontario ay magiging $16.55 kada oras (archives).

Litrato: Getty Images / Roberto Machado Noa/LightRocket

RCI

Ang minimum wage ng Ontario ay nakatakdang tumaas sa $16.55 kada oras sa Oktubre 1.

Minarkahan nito ang 6.8 porsyento na pagtaas mula sa kasalukuyang rate na $15.50 kada oras, isang increase na batay sa inflation.

Sinabi ng gobyerno na ang increase ay nangangahulugan na ang isang tao na sumasahod ng minimum wage at nagtatrabaho ng 40 oras kada linggo ay makikita ang kanilang suweldo na tataas ng halos $2,200 kada taon.

Sinabi ng labour advocates at mga kritiko na ang Ontario ay dapat magpakilala ng $20 minimum wage.

Sinabi ng Ontario Living Wage Network na ang living wage sa maraming parte ng probinsya ay $19, pero sa Greater Toronto Area ito ay higit $23.

Sinabi ni Labour Minister Monte McNaughton na ang pagtaas sa Oktubre 1 ay malayo ang mararating at makakatulong sa mga tao sa cost of living.

Isang lalaki na nakasalamin nakatayo sa podium habang may watawat ng Ontario sa background.

Ontario Labour Minister Monte McNaughton (archives)

Litrato: Chaîne de Queen's Park

Ipinagmamalaki ko ang aking record sa minimum wage, para itaas ito ng $16.55 kada oras, ang pinakamataas sa anumang probinsya sa bansa, aniya.

Pero gusto ko rin maging malinaw na ang minimum wage jobs ay dapat isang starting point lamang at hindi end point. Kaya tayo ay nag-i-invest ng daang milyong dolyares upang i-retain at i-upskill ang mga manggagawa para sa mas malaking paycheques.

Tinatrabaho rin ng Ontario ang portable benefits plan nito na magbibigay ng health at dental benefits sa mga manggagawa, at hindi sa lugar ng pinagtatrabahuhan, ani McNaughton.

Ang programa na iyon ay naglalayon na ikober ang mga manggagawa sa gig economy, retail at hospitality jobs na walang mga benepisyo, at i-accommodate ang mga tao na maaaring magbago ng karera sa kurso ng kanilang buhay. Isang task force ang nakatakdang mag-deliver ng isang blueprint para rito sa tag-init.

Ang minimum wage ng Yukon ay $16.77, at ang minimum wage ng pederal na gobyerno ay magiging $16.65 pagdating ng Sabado.

Sinabi ni McNaughton na inilalahad ng gobyerno ang Oct. 1 increase ngayon para bigyan ng oras ang mga negosyo na magplano.

Kinansela ng Progressive Conservatives ang planadong minimum wage increase mula $14 patungong $15 kada oras matapos silang maupo sa kapangyarihan noong 2018. Pagkatapos itinaas ng gobyerno ang minimum wage sa $15 noong Enero 2022.

Sa Oct. 1, ang minimum wage para sa mga estudyante ay tataas din mula $14.60 patungong $15.60 kada oras para sa mga tao na 18-anyos pababa na nagtatrabaho ng 28 oras o mas kaunti kada linggo kapag walang pasok sa eskuwelahan o nagtatrabaho kapag may school break o summer holidays.

Ang mga tao na nagtatrabaho sa kanilang mga tahanan para sa mga employer ay kailangan bayaran ng at least $18.20 kada oras, tumaas mula $17.05.

Ang minimum wage para sa hunting, fishing at wilderness guides ay nakatakdang tumaas mula $77.60 sa $82.85 kapag nagtatrabaho ng less than five consecutive hours sa isang araw, at mula $155.25 sa $165.75 kapag nagtatrabaho ng limang oras o higit pa sa isang araw.

Isang artikulo ni Allison Jones (bagong window), The Canadian Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita