1. Home
  2. Politika
  3. Mga Krimen at Mga Sala

Ulat sa N.S. mass shooting maaari maging ‘blueprint’ para sa mas ligtas na Canada

Hiniling sa mga pulitiko, prime minister na isulong ang mga rekomendasyon

Lalaki at mga babae nakaupo na magkakatabi.

Michael MacDonald, chair ng Mass Casualty Commission inquiry sa mass murders sa rural Nova Scotia noong Abril 18/19, 2020, katabi ang kapwa commissioners na sina Leanne Fitch, kaliwa, at Kim Stanton sa Halifax noong 2022.

Litrato: La Presse canadienne / Andrew Vaughan

RCI

Ang pinal na ulat sa Nova Scotia mass shooting noong Abril 2020 ay maaari maging blueprint para sa isang mas ligtas na Canada, sinabi ng commissioners, at tiyakin na ang buhay ng 22 biktima ay hindi masasayang.

Nagsalita si Michael MacDonald, chair ng Mass Casualty Commission, at kapwa commissioners na sina Leanne Fitch at Kim Stanton sa isang punong-puno na kuwarto sa Truro, N.S., ngayong Huwebes matapos ilabas ang kanilang ulat na may 3,000 na pahina at 130 na rekomendasyon.

Hindi kami nahihiya na ideklara ang katotohanan at accountability. Kinilala namin ang mga ito upang matuto tayo mula rito at gumawa ng mas mabuti, ani MacDonald.

Ang mga akto ng karahasan sa hinaharap ay maaaring iwasan kung mayroon tayong will na gawin ang kinakailangan.

Ang event ay nagsimula sa isang montage ng mga litrato ng 22 tao na namatay sa trahedya kasunod ng isang sandali ng katahimikan.

Isang montage ng mga litrato ng dalawampu't dalawang tao.

Ang mga biktima ng mass shooting sa Nova Scotia na naganap noong Abril 2020.

Litrato: Radio-Canada

Pinangunahan ni MacDonald ang kanyang pahayag sa pamamagitan ng pagpapasalamat sa pamilya ng mga napatay sa rampage para sa kanilang hindi natitinag na katapangan at commitment. Ang mga biktima, kasama ang isang buntis, ay napatay ng isang gunman na nagpanggap bilang Royal Canadian Mounted Police officer sa loob ng 13 na oras.

Ito ay isang blueprint na maaaring gawin ang Canada na isang world leader pagdating sa kaligtasan ng komunidad, ani MacDonald.

Kapag ipinatupad, ie-establish na ang mga magaganda, mahahalagang buhay na ito na kinuha noong Abril 18 at 19 ay hindi masasayang. Ang mga buhay na iyon ay hindi dapat masayang — hindi iyon puwedeng mangyari.

Nakasaad sa ulat kung paano at bakit nangyari ang mga bagay na ito sa loob ng dalawang araw, at binabalangkas ang mga rekomendasyon para sa pulisya, mga gobyerno at indibidwal.

Kasama sa mga rekomendasyon na iyon ang panawagan para sa pangunahing mga pagbabago sa Royal Canadian Mounted Police oversight, mga proseso at kultura; isang proseso upang pag-isipan muli ang istruktura ng policing sa Nova Scotia; isang national review ng public alerting; mas higit na pokus sa pagtugon sa intimate partner violence; at ang isang pinalawak na collaborative model para tiyakin ang kaligtasan ng komunidad.

Ang pag-abot sa mga layunin na ito ay babawasan substantially ang mga banta at epekto ng karahasan, kasama ang mass violence, ani Fitch.

Pinasalamatan din ng commissioners ang key politicians kasama si Prime Minister Justin Trudeau, Nova Scotia Premier Tim Houston at federal Minister of Public Safety Marco Mendocino, sa pagdalo in person sa paglabas ng ulat.

Napakaimportante na nandito kayo. Ang aming mga rekomendasyon ay nananawagan para sa transformative na pagbabago, nananawagan ito para sa kolaborasyon, nananawagan ito para sa leadership, ani MacDonald.

Nananawagan ito para isulong ninyo ang mga rekomendasyon para ang ating mga komunidad sa Nova Scotia at Canada ay maging mas ligtas.

Ang mga pamilya at abogado ng mga biktima ay inaasahan na magsasalita sa media ngayong Huwebes.


Kung ikaw ay nakakaranas ng distress o overwhelming emotions sa anumang oras, puwede kang tumawag sa Nova Scotia Provincial Crisis Line 24/7 sa numerong 1-888-429-8167. Ang Nova Scotia Provincial Crisis Service ay maaari rin magbigay ng contacts para sa ibang crisis services na available kung ikaw ay nakatira sa labas ng Nova Scotia.

Kung ikaw o ang kakilala mo ay nahihirapan sa anumang paraan, puwede kang tumawag sa 211 o bumisita sa 211.ca (bagong window). Ang 211 ay nag-aalok ng tulong 24 oras sa isang araw sa higit isang daan na lengguwahe at maikokonek ka directly sa mga tamang serbisyo para sa iyong mga pangangailangan.

Ang Kids Help Phone ay isang national helpline na nagbibigay ng confidential support sa numerong 1-800-668-6868 o text CONNECT sa 686868.

Ang karagdagang mga suporta sa buong Canada ay available sa www.wellnesstogether.ca (bagong window).

Isang artikulo ni Haley Ryan (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita