1. Home
  2. Lipunan
  3. Katutubo

Vatican itinatwa ang Doctrine of Discovery bilang tugon sa demanda ng mga Katutubo

Ang mga dokumento ay ‘minanipula’ para sa pulitikal na layunin ng mga kapangyarihang kolonyal, sabi ng Vatican

Mga babaeng katutubo hawak ang banner sa labas ng simbahan.

Sarain Fox, kanan, at Chelsea Brunelle ng Batchewana First Nation ay iwinagayway ang banner na nagssabing 'Rescind the Doctrine' sa labas ng simbahan kung saan nagmimisa si Pope Francis sa National Shrine of Saint Anne de Beaupre sa Quebec noong huling tag-init.

Litrato: Associated Press / John Locher

RCI

Pormal na itinatwa ng Vatican ngayong Huwebes ang Doctrine of Discovery, ang mga teorya na sinuportahan ng papal bulls noong ika-15 na siglo upang gawing lehitimo ang pangangamkam ng mga Katutubong lupain noong kolonyal na panahon at bumuo sa batayan ng ilang property law ngayon.

Sinabi ng pahayag ng Vatican na ang 15th-century papal bulls, o mga decree, ay hindi sapat na sumasalamin sa pantay-pantay na dignidad at karapatan ng mga Katutubong tao at hindi kailanman kinokonsidera na pagpapahayag ng pananampalatayang Katoliko.

Sinabi nito na ang mga dokumento ay minanipula para sa pulitikal na layunin ng mga kapangyarihang kolonyal para bigyang-katwiran ang mga imoral na gawain laban sa mga Katutubong tao, sa ilang pagkakataon, walang oposisyon mula sa mga awtoridad ng simbahan.

Ang pahayag, mula sa development at education offices ng Vatican, ay sinabi na tama na kilalanin ang mga pagkakamaling ito, kinilala ang masamang epekto ng mga polisiya ng asimilasyon noong kolonyal na panahon sa mga Katutubo at humiling din ng kapatawaran.

Ang pahayag ay tugon sa ilang dekadang demanda mula sa mga Katutubo para sa Vatican na pormal na bawiin ang papal bulls na nagbigay ng religious backing sa Portugal at Espanya upang palawakin ang kanilang mga teritoryo sa Africa at Americas alang-alang sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo.

Ang mga decree ay sinusuportahan ang Doctrine of Discovery, isang legal na konsepto na binanggit sa 1823 U.S. Supreme Court decision na naunawaan ang kahulugan bilang pagmamay-ari at soberanya sa lupain na ipinasa sa mga taga-Europa dahil nadiskubre nila ito.

Ito ay binanggit kamakailan bilang isang 2005 Supreme Court decision sangkot ang Oneida Indian Nation na isinulat ng yumaong justice na si Ruth Bader Ginsburg.

Nang bumisita si Pope Francis sa Canada noong 2022, kung saan humingi siya ng tawad para sa residential school system na puwersahang kinuha ang mga Katutubong bata mula sa kanilang mga tahanan, siya ay inulan ng mga demanda upang pormal na bawiin ang papal bulls.

Dalawang Katutubong kababaihan ang nagwagayway ng banner sa altar ng National Shrine of Sainte-Anne-de-Beaupré noong Hulyo 29 na nagsasabing, Rescind the Doctrine, na isinulat sa mga letrang may matingkad na pula at itim na kulay. Ang mga nagpoprotesta ay inescort paalis at ang Misa ay nagpatuloy na walang insidente, bagama’t ang mga kababaihan ay nagmartsa kalaunan sa basilica at inilagay ang banner sa railing.

Isang banner sa labas ng simbahan na may nakasulat na 'Rescind the doctrine.'

Isang 'Rescind the doctrine' banner sa labas ng Sainte-Anne-de-Beaupré Basilica habang nagmimisa si Pope Francis noong Hulyo 29, 2022.

Litrato:  (CBC/Radio-Canada) / Olivia Laperrière-Roy

Basahin ang buong istorya rito. (bagong window)

Isang artikulo ni Nicole Winfield (bagong window), The Associated Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita