- Home
- Politika
Canada niluwagan ang ilang restrictions sa non-Canadians na bibili ng property
Ang mga pagbabago ay naglalayong i-boost ang housing supply

Housing and Diversity and Inclusion Minister Ahmed Hussen (archives)
Litrato: La Presse canadienne / Sean Kilpatrick
Pinaluwag ng gobyerno ng Canada ang ilang paghihigpit sa mga dayuhan na bibili ng residential property ilang buwan lang matapos ipatupad ang mga bagong panuntunan.
Ang non-Canadians sa bansa na may work permit o awtorisado na magtrabaho sa Canada ay maaari na ngayon bumili ng residential property. Sila ay dapat may at least 183 na araw o higit pa na natitira sa kanilang work permit o work authorization at kailangan bumili lang ng isang pirasong property para maging kwalipikado.
Ang non-Canadians at foreign businesses ay maaari na ngayon bumili ng residential property kung intensyon nila na idebelop ito, at maaari na bumili ng bakanteng lupa na na-zone para sa residential o mixed use para sa anumang layunin.
Ipinasa ng parlamento ang batas na pinagbabawalan ang non-Canadians mula sa pagbili ng property, ang Prohibition on the Purchase of Residential Property by Non-Canadians Act, noong Hunyo 2022. Ang batas ay ipinatupad sa pagsisimula ng taon na ito, at pinagbabawalan ang non-Canadians mula sa pagbili ng residential property sa Canada sa loob ng dalawang taon. Ang restrictions ay parte ng pangakong binitawan ng mga Liberal noong 2021 federal election campaign sa gitna ng tumataas na presyo ng mga bahay.
Inanunsyo ni Ahmed Hussen, ang ministro para sa housing and diversity and inclusion, ang mga pagbabago noong Lunes. Isang news release (bagong window) mula sa Canada Mortgage and Housing Corporation (CMHC) ang nagsabi na ang mga pagbabago ay naging epektibo kaagad.
Ang amendments ay pinahihintulutan ang mga newcomer na magtaguyod ng roots sa Canada sa pamamagitan ng home ownership at ang mga negosyo ay makakalikha ng mga trabaho at makakagawa ng mga bahay sa pamamagitan ng pagdaragdag sa housing supply sa mga lungsod ng Canada,
ani Hussen sa news release.
Ang mga pagbabago na ito ay gumagawa ng tamang balanse upang tiyakin na ang housing ay gagamitin upang bigyan ng tahanan ang mga nakatira sa Canada, kaysa sa speculative investment ng mga dayuhang investor.
Isang artikulo ni Richard Raycraft (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.