- Home
- Kalusugan
- Pampublikong Kalusugan
Santé Québec, ang bagong ahensya na aayos sa health-care system ng probinsya
Sinabi ng CAQ na ang Bill 15 ay isang ‘makasaysayan’ at ‘bunga ng napakalaking gawain’ mula nang magpandemya
Quebec Health Minister Christian Dubé (archives)
Litrato: Radio-Canada / Sylvain Roy Roussel
Ang gobyerno ni François Legault ay umaasa sa isang bagong ahensya ng probinsya upang ayusin ang sirang health-care system, at tinawag itong Santé Québec.
Ang paglikha ng Santé Québec ay isang piraso ng pundasyon ng Bill 15, na ipinanukala ni Health Minister Christian Dubé sa National Assembly ngayong Miyerkules.
Kung ito ay magiging batas, ang Santé Québec ang mangangasiwa sa lahat ng aktibidad kaugnay ng public health-care system, kasama ang pagbibigay ng mga serbisyo at pagpa-facilitate ng access.
Tutulong din ang Santé Québec na iorganisa ang mga elemento ng pribadong sektor.
Ang ahensya rin ang magiging kaisa-isang employer ng health-care employees at papalit sa regional health agencies ng probinsya — na kilala sa kanilang French acronyms na CIUSSS (integrated university health and social services centres) at CISSS (integrated health and social services centres).
Sa ngayon, may 34 regional health agencies sa probinsya.
Sa isang news conference na nagsimula matapos ang ala-una ng hapon ngayong Miyerkules, inilarawan ni Dubé ang bill na may humigit-kumulang 300 na pahina bilang “bunga ng napakalaking gawain” mula sa nakalipas na mga taon.
Ang status quo ay hindi isang opsyon,
sinabi ng ministro.
Alamin ang pinakahuling detalye rito. (bagong window)
Kaugnay na ulat
Isang artikulo ni Antoni Nerestant (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.