1. Home
  2. Politika
  3. Mga Probinsiyal na Eleksyon

1st time na mga botante kasama ang isang Pilipina nais ng pagbabago sa P.E.I.

‘Dito pakiramdam mo ay makakagawa ka talaga ng aktuwal na pagbabago’

Isang puting babae at isang babaeng Pilipino na nakangiti sa camera.

Si Amy MacNeill, kaliwa, at Janet Bernabe parehong na-earn ang karapatang bumoto noong 2020.

Litrato: CBC News / Kevin Yarr

RCI

Dalawang Islanders na boboto sa unang pagkakataon sa probinsyal na halalan ng Prince Edward Island (P.E.I.) ay ibinahagi na sila ay excited na magkaroon ng oportunidad upang gumawa ng impact sa eleksyon na ito.

Sina Amy MacNeill at Janet Bernabe ay parehong na-earn ang karapatan na bumoto noong 2020 — si MacNeill dahil siya ay naging 18 taong gulang at si Bernabe dahil siya ay naging Canadian citizen matapos pumuntang Canada 10 taon na ang nakalipas.

Pareho silang bumoto sa 2021 federal election, ngunit sinabi na nakaramdam sila ng mas malapit na koneksyon sa pagboto sa probinsya.

Alam ko na boboto ako para … sa isang tao na nakikita at nararanasan at naiintindihan ang kondisyon na kinalalagyan namin, ang mga problema na aming kinakaharap, ani Bernabe.

Sinabi ni MacNeill na pakiramdam niya ay mas magiging mahalaga ang kanyang boto sa isang probinsyal na eleksyon.

Kapag ikaw ay bumoboto sa isang federal election wala ka masyadong weight, dahil ang P.E.I. ay mayroon lamang apat na seats sa House of Commons, aniya.

Dito pakiramdam mo ay makakagawa ka talaga ng aktuwal na pagbabago.

Frustrations sa health care

Nasa itaas ng kanilang agenda, tulad ng maraming Islanders sa eleksyon, ang health care.

Parehong concerned sa shortage ng mga nagtatrabaho na health professionals sa Isla, partikular kapag ang mga health professional sa probinsya ay hindi makapagtrabaho dahil hindi kinikilala ang kanilang credentials sa Canada.

Katrabaho ko ang isang heart surgeon, at hindi siya [makapag-practice], ani MacNeill.

Nakaka-frustrate talaga iyon kasi kailangan namin ng mga ganoong tao very badly.

Si Bernabe ay isang dentista sa Pilipinas. Hindi siya makapagtrabaho bilang dentista rito, ngunit nakahanap ng trabaho sa isang dental office.

Ngunit alam niya na may ibang mga Pilipino na health professionals sa Isla na nagtatrabaho sa labas ng health system.

‘Ang presyo ng bahay ay absolutely insane'

Si Bernabe ay miyembro ng Filipino Community Board of Prince Edward Island, kaya mayroon siyang malapit na koneksyon sa concerns ng komunidad.

Ang isa sa mga isyu na lagi naming nae-encounter para sa international students o mga taong lumilipat dito ay ang isyu ng housing. [Ang mga bahay] ay mahirap hanapin at napakamahal, aniya.

Isa itong pangunahing isyu para rin kay MacNeill habang iniisip ang sariling kinabukasan sa P.E.I.

Lahat ng pamilya ko ay mula rito, at gusto kong makapagsimula ng pamilya, bumili ng bahay, magkaroon ng health care para sa aking magiging mga anak sa hinaharap, ani MacNeill.

Kailangan magbago ang mga bagay, tulad ng mas maraming family doctors, mas mababang ER times, ang presyo ng housing ay absolutely insane. Kailangan iyon magbago.

Ang Islanders ay boboto sa Abril 3.

Isang artikulo ni Kevin Yarr (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

May kasamang files mula sa Island Morning

Mga Ulo ng Balita