1. Home
  2. Sining
  3. Pandaraya

Graphic designer sa Ontario binalaan ang ibang artists tungkol sa isang scammer

Nakatanggap ang Canadian Anti-Fraud Centre ng higit 3,100 reports ng vendor fraud noong 2022

Isang lalaki sa gitna ng kanyang mga artwork na naka-display sa buong paligid.

Si Jason Recker ay isang London, Ont.-based pop artist at graphic designer.

Litrato: Jason Recker

RCI

Dahil may 30 taon na karanasan sa art industry, alam na alam ni Jason Recker ang mga tipo ng tanong na kanyang naririnig kapag ang isang tao ay interesado na bilhin ang kanyang artwork at magkano ang gusto nilang bayaran para rito.

Kaya nang makatanggap ng email ang artist mula sa London, Ontario noong nakaraang linggo mula sa isang lalaki na gustong bumili ng isang image, na binanggit ang nakakatuksong budget na nagre-range mula $1,500 hanggang $8,500, alam na agad ni Recker na ang taong ito ay sinusubukan siyang lokohin.

Sinakyan ni Recker ang lalaki para makita kung hanggang saan ito makikipag-usap para manloko.

Pagkatapos noon nag-post si Recker ng screen shots ng kanilang pag-uusap sa isang Facebook page na may ibang artists at designers din, kung saan napag-alaman niya na ang iba ay nakakuha rin ng katulad na mensahe.

Sa tingin ko ang artists ay isang easy target dahil iniisip nila, ‘Oh, gusto ng isang tao ang aking trabaho at willing sila na magbayad,’ aniya.

Ang approach

Nagiging maliwanag na scam ang isang bagay kapag ang mga kliyente ay nagbibigay ng detalyadong mga dahilan kung bakit hindi nila mababayaran ang artwork sa pamamagitan ng credit card o e-transfers, at sa halip ay mag-aalok na magpapadala ng isang electronic cheque, ani Recker.

Sa kanyang kaso, sinabihan si Recker ng lalaki na gusto niyang bilhin ang art piece bilang sorpresang regalo sa kanyang asawa para sa kanilang anibersaryo at ang dalawa ay maninirahan na sa Finland, kaya kailangan niya ito sa lalong madaling panahon at maaari lamang makapagbayad sa pamamagitan ng e-cheque.

Isang email.Palakihin ang larawan (bagong window)

Nakuha ni Recker ang email na ito mula sa isang tao na pinaniniwalaan niyang sinusubukan siyang lokohin.

Litrato: Jason Recker

Bilang tugon, sinabi ni Recker sa lalaki na tumatanggap lamang siya ng e-transfers bilang kabayaran dahil sa dating scam attempts, at hiniling sa naturang lalaki na ipadala ang full payment bago niya i-ship ang art piece.

Sinabi ni Recker na dito na huminto sa pakikipag-usap ang lalaki at nagwakas ang kanilang komunikasyon.

Sinabi ni Recker na hindi niya iniulat sa mga awtoridad ang kanyang karanasan, at umasa na ang paglalagay niya nito sa social media ay makakatulong na balaan ang ibang artists.

Sa kaso ni Recker, ang kanyang hinarap ay ang tinatawag na vendor fraud ng Canadian Anti-Fraud Centre, na nakatanggap ng mahigit 3,100 vendor fraud reports noong 2022, ang losses ay tinataya na nasa mahigit $3 milyon.

Basahin ang buong istorya rito (bagong window).

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita