1. Home
  2. Ekonomiya
  3. Economic Indicators

Mula groceries, alak, payday loans at plane tickets — ano’ng epekto ng budget sa wallet

Ang spending plans ng gobyerno ng Canada ay ina-outline ang mga hakbang para labanan ang inflation

Dennis Nunez nilagay sa basket ang binili.

Paano makakaapekto ang 2023 federal budget sa pamumuhay ng Canadians?

Litrato: RCI/Rodge Cultura

RCI

Habang ang inflation ay malapit pa rin sa pinakamataas na lebel sa nakalipas na mga dekada, ang inilabas na federal budget ng Canada noong Martes ay maraming binitawang salita para gawing abot-kaya ang pamumuhay ng Canadians — pero kakarampot ang detalye tungkol sa paano lahat ito gagana.

Isa sa pinakamalaking item na nag-leak bago lumabas ang budget ay ang tinatawag ng gobyerno na grocery rebate na naglalayong pahupain ang gastusin sa grocery na tumataas pa rin sa annual rate na higit 10%.

Ito ay isang extended version ng existing GST rebate cheque program, na nagbibigay ng cash payouts upang ma-refund ang GST payments na na-incur ng Canadians na mababa ang income.

Sinabi ng gobyerno na ang binagong programa ay magbibigay ng ekstrang $467 sa bulsa ng mga karaniwang pamilya na may dalawang anak, at $234 para sa isang single na tao. Ipinapahiwatig ng estimates ng gobyerno na humigit-kumulang 11 milyon na tao ang magiging kwalipikado para sa programa, na ibinibigay sa pamamagitan ng quarterly cheque o direct deposit.

Hindi nire-require ng gobyerno na gastusin ang pera sa groceries. Pero ang branding ng programa ay ipinapahiwatig na umaasa ang Canada na makapagbigay ng $2.5 bilyon na relief kung saan higit na kailangan ito ng maraming Canadian — sa checkout aisle.

Nabawasang excise tax para sa beer at alak

Iba't ibang brand ng beer sa grocery store.

Ang tinatawag na excise tax para sa mga alak, beer at iba pang uri ng inumin ay nakabatay sa inflation (archives).

Litrato: La Presse canadienne / Chris Young

Nitong mga nakaraang linggo, ang beer at alcohol industry ay nagsalita tungkol sa nagbabadyang pagtaas ng federal tax sa beer, wine at spirits. Ang tinatawag na excise tax ay nakabatay sa inflation, na ibig sabihin ay on track itong tumaas ng higit anim na porsyento ngayong weekend — isang pagtalon na hahantong sa 73 sentimos para sa isang litro ng wine at mahigit 37 sentimos para sa isang litro ng beer.

Ang excise fees na iyon ay binabayaran ng brewers, wine at spirit makers, pero ang costs ay maaaring mag-filter pababa sa mga konsyumer habang dumadagdag ito sa cost ng negosyo, at itinutulak ang retail prices.

Inanunsyo ng gobyerno sa budget na babawasan nito ang pagtaas ng dalawang porsyento para sa taong ito, mas mababa sa inflation rate.

Paghihigpit sa payday lenders

Mga pera ng Canada.

Tina-target ng budget ng gobyerno ang tinatawag na "predatory lending" (archives).

Litrato: CBC

Naglalayon din ang budget na pigilan ang mataas na costs na binabayaran ng Canadians para makautang ng pera. Habang ang rates ng conventional personal at business loans mula sa mga pangunahing lenders ay naglalaro sa pagitan ng low single digits para sa mortgage hanggang sa mataas ng kaunti sa 10% para sa ibang uri ng unsecured debt, hindi ito totoo para sa lahat ng uri ng loans.

Ito ang dahilan kung bakit tina-target ng budget ng gobyerno ang tinatawag na predatory lending sa pamamagitan ng pagbabago sa mga loophole na kasalukuyang pinapayagan ang ilang lenders na mag-charge ng rates na kasing taas ng 47% kada taon.

Sinabi ng gobyerno na babaguhin nila ang Criminal Code para lagyan ng cap ang rates na iyon sa 35%, alinsunod sa kasalukuyang mga regulasyon na opisyal na sa Quebec.

Ang payday loans ay kasalukuyang exempt mula sa batas na ito dahil sa iba’t ibang loopholes. Ang mga loan na iyon ay tipikal na para sa maliit na halaga na hanggang $1,500 at para sa terms na hanggang dalawang buwan lamang — ngunit sa kabila ng kanilang maikling term, ang costs ay mas mataas pa rin kaysa sa ibang loans, ang annualized rates kung minsan ay umaabot ng 400%.

Sinabi ng gobyerno na plano nitong higpitan at tanggalin ang ilan sa mga loophole na iyon sa pamamagitan ng pagre-require sa payday lenders na mag-charge ng hindi hihigit sa $14 kada araw para sa bawat $100 na inutang. Sinabi rin ng gobyerno na magkokonsulta ito sa mga probinsya para sa mga karagdagang pagbabago kung paano mas mare-regulate ang payday-lending industry.

Credit card fee reductions

Isang kamay na may hawak ng credit card habang nagta-type ang kabilang kamay sa laptop keyboard.

Hindi lang credit card fees ang tanging hidden fee na nahaharap sa masusing pagsisiyasat ng gobyerno (archives).

Litrato: Shutterstock

Nilatag din ng gobyerno ang mga bagong panuntunan para sa isa pang source ng frustration para sa maliliit na negosyo at mga konsyumer: ang credit card fees.

Sa tuwing isinu-swipe ng kostumer ang kanyang credit card upang bayaran ang binili, ang vendor ay nagbabayad ng interchange fee sa credit card company na nagpoproseso ng transaksyon.

Sa Canada, ang mga fee na ito sa ilang card ay maaaring umabot ng hanggang tatlong porsyento ng purchased price — mas mataas kaysa sa mga hurisdiksyon kung saan ito ay may cap.

Habang hindi nagpatupad ng cap ang budget, sinabi ng gobyerno na nakipagkasundo ito sa major credit card companies na bawasan ang interchange fees ng 27% para sa humigit-kumulang 90% ng mga negosyo na tumatanggap ng credit cards.

Iminumungkahi ng government estimates na ang bagong fee structure ay magdudulot ng $200 milyon na savings bawat taon sa maliliit na negosyo, ang savings na iyon ay dapat mag-filter pababa sa mga konsyumer dahil isang court ruling noong nakaraang taglagas ang nagsabi na ang mga merchant ay pinapayagan na ngayon na ipasa ang fees direkta sa mga konsyumer.

Hindi lang credit card fees ang tanging hidden fee na nahaharap sa masusing pagsisiyasat. Bagama’t kaunting detalye lang ang inaalok, sinabi ng gobyerno na nais nitong hulihin ang tinatawag na junk fees na nakasama sa goods and services.

Sinabi ng gobyerno na nais nitong makipagtulungan sa mga probinsya at iba’t ibang regulators para suriin ang mga bagay tulad ng cellphone roaming charges, ticket fees at excessive baggage fees — ilang halimbawa ng nickel-and-dime fees na ikinaiirita ng mga konsyumer.

Travel fees nakatakdang tumaas

Isang papalipad na eroplano sa runway.

Ang Air Travel Security Charge ay nakatakdang tumaas ng halos 33% sa susunod na taon (archives).

Litrato: iStock/Pixabay

Ngunit habang matigas ang mga salita ng gobyerno tungkol sa pagtatanggal sa hidden fees, tataasan nito ang binabayaran ng Canadians sa tuwing sasakay sila ng eroplano.

Ang Air Travel Security Charge ay isa sa maraming fee na binabayaran ng flyers kapag bumibili sila ng isang plane ticket. Ang pera ay napupunta sa pondo upang pagandahin ang mahahalagang airport services tulad ng passenger screening at baggage handling.

Unang ipinatupad noong 2002 matapos ang Sept. 11 attacks, ang fees ay hindi pa tumaas mula 2010, nang tumalon ito ng mahigit 52% sa kasalukuyang lebel.

Naglaan ang budget ng ekstrang $1.8 bilyon para ayusin ang problema sa pagbibiyahe na naranasan ng Canadians sa mga paliparan kailan lang, ngunit ito ay magiging malaking gastusin para sa mga konsyumer. Ang Air Travel Security Charge ay nakatakdang tumaas ng halos 33% sa susunod na taon.

Magiging $9.94 ang dagdag na fee para sa isang one-way ticket sa loob ng Canada, magiging $16.89 para sa flight sa Estados Unidos, at magiging 34.42 para sa pagbibiyahe sa ibang bansa.

Basahin ang buong istorya rito. (bagong window)

Bahagi ng artikulo ni Pete Evans (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita