1. Home
  2. Kapaligiran
  3. Enerhiya

Ano ang nangyari sa Muskrat Falls hydroelectric project?

Matapos ang higit 10 taon, ano na ang nangyari sa Muskrat Falls hydroelectric project sa Labrador?

Top view ng Muskrat Falls spillgates.

Bumubuhos ang tubig mula sa Muskrat Falls spillgates noong Enero.

Litrato: CBC News / Danny Arsenault

RCI

Pagkatapos ng mahigit sampung taon at mahigit $13 bilyon — halos doble ng presyo na ipinangako noong 2012 — umusbong ngayon ang mga seryosong pagdududa kung ang Muskrat Falls hydroelectric project sa Labrador ay gagana pa tulad ng orihinal na disenyo.

Ang equipment ay nahuhulog mula sa overhead lines sa mga lokasyon na masyadong malayo na aabutin ng ilang araw bago ito marating at masimulan ang pagkumpuni.

Ang kuryente mula sa Muskrat Falls ay hindi maasahan kung kaya naman ang tumatandang thermal plant na dapat ay papalitan nito ay kailangan manatiling bukas sa mga darating na taon.

Ang Holyrood generating station sa tabi ng dagat.

Ang Muskrat Falls ang dapat papalit sa tumatanda at oil-burning na Holyrood generating station, na makikita sa litrato na ito.

Litrato: CBC News / Patrick Butler

Ang proyekto, na hinulaan ng dating civil servant na si Des Sullivan isang dekada na ang nakalipas, ay isang ganap na kapalpakan, na ibinaon ang Newfoundland and Labrador sa bilyong-bilyong dolyares na bagong utang.

Basahin ang buong istorya rito (bagong window).

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita