1. Home
  2. Politika
  3. Pederal na Politika

Highlights mula sa 2023 federal budget

Tina-target ng budget ang 3 pangunahing areas: health care/dental, affordability at clean economy

Chrystia Freeland nagsasalita sa House of Commons.

Finance Minister Chrystia Freeland inilahad ang federal budget para sa 2023 ngayong Martes ng hapon.

Litrato: La Presse canadienne / Sean Kilpatrick

RCI

Pino-propose ng 2023 federal budget ang paggastos upang gawing mas abot-kaya ang buhay, hikayatin ang investments sa green energy, mag-alok ng pinahusay na serbisyong pangkalusugan at i-roll out ang susunod na hakbang sa federal dental care program. Nag-aalok din ito ng targeted funding para sa mga estudyante, manggagawa, siyensya at depensa.

Chrystia Freeland naglalakad sa corridor.

Ang Ministro ng Pananalapi at Pangalawang Punong Ministro na si Chrystia Freeland ay dumalo sa isang pagpupulong ng gabinete ni Trudeau ngayong Martes, bago ihain ang kanyang budget noong hapon.

Litrato: La Presse canadienne / Adrian Wyld

Narito ang listahan ng ilan sa mas mahahalagang funding initiatives sa Budget 2023.

  • $43B na net new spending sa loob ng anim na taon.

  • 3 pangunahin na prayoridad: health care/dental, affordability at clean economy.

  • Pagdoble sa GST rebate na inextend para sa lower income Canadians, hanggang $467 para sa isang pamilya.

  • $13B sa limang taon para ipatupad ang dental care plan para sa mga pamilya na kumikita ng mas kaunti sa $90K.

  • $20B sa anim na taon para sa tax credits upang i-promote ang investment sa green technologies.

  • $4B sa limang taon para sa isang Indigenous housing strategy.

  • $359 milyon sa limang taon para sa mga programang tutugon sa opioid crisis.

  • $158 milyon sa tatlong taon para sa isang suicide prevention hotline, na ilulunsad sa Nobyembre 30.

  • Paglikha ng bagong ahensya para labanan ang panghihimasok ng mga dayuhan.

  • Deficit para sa 2022-23 inaasahan na magiging $43B, mas mataas kaysa sa prinoject noong taglagas.

  • Mas mataas kaysa sa inaasahan na deficits na prinoject para sa susunod na 5 taon.

  • Federal debt naabot ang $1.18 trillion. Debt-to-GDP ratio ay bahagyang tataas sa susunod na 2 taon.

Basahin ang buong istorya rito. (bagong window)

Bahagi ng artikulo ni Peter Zimonjic (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita