1. Home
  2. Politika
  3. Pederal na Politika

Budget ni Freeland inaasahan na nakapokus sa green investments, pagtulong sa vulnerable

Ang mid-term budget ay hindi mag-aalok ng ‘goodie bag,’ sabi ng dating policy adviser ni Morneau

Close up ng mukha ni Chrystia Freeland na nakangiti.

Finance Minister Chrystia Freeland (archives)

Litrato: La Presse canadienne / Adrian Wyld

RCI

Inaasahan si Finance Minister Chrystia Freeland na magde-deliver ng isang budget ngayong Martes na mag-aalok ng limitadong cost-of-living relief para sa mga vulnerable at ipo-promote ang green investments habang patuloy na dinidiliman ng uncertainty ang economic horizon.

Sa palagay ko hindi dapat masyadong tumaas ang pag-asa ng mga tao sa bagay na ito na parang goodie bag budget, sinabi ni Elliot Hughes, dating deputy director of policy para sa dating finance minister na si Bill Morneau, sa CBC News.

Tiyak na hindi ito pinag-uusapan sa ganitong paraan ng prime minister at ng finance minister at kung anuman, sa palagay ko … sila ay mas kumikiling sa fiscal restraint piece para sa budget.

Nagbabala si Freeland sa Canadians na habang ang budget ay mag-aalok ng investments sa green energy upang tugunan ang U.S. Inflation Reduction Act, (bagong window) at targeted relief para sa mga nagdurusa dahil sa inflation at mataas na interest rates, ang cupboard ay halos walang laman.

Ang katotohanan ay hindi natin ganap na mabibigyan ng compensation ang bawat isang Canadian para sa lahat ng epekto ng inflation o para sa tumaas na interest rates. Ang gawin iyon ay magiging mas masama para sa inflation at pupuwersahin na mas magtagal ang mataas na rates, aniya noong isang linggo.

Sinabi ni Hughes na habang gusto ng mga Liberal na gamitin ang budget para kontrolin ang political narrative para sa darating na taon, iyon ay magiging mahirap dahil walang katiyakan sa ekonomiya at walang pederal na eleksyon sa hinaharap.

Mahirap palagi na hawakan ang narrative sa pamamagitan ng pagsasabi na kailangan natin gawin ito … maging as boring as possible, aniya. Dahil dun, magkakaroon ng ilang magagandang hakbang dito.

Groceries at dental visits

Noong nakaraang taon, sa ilalim ng pressure mula sa New Democratic Party, dinoble ng Liberal na gobyerno ang GST tax credit sa loob ng anim na buwan. Ang mga single na walang anak ay nakakuha ng higit $234 mula sa credit, ang mga mag-asawa na may anak nakakuha ng hanggang $467 at ang seniors nakakuha ng average boost na $225.

Sinabi ni New Democratic Party Leader Jagmeet Singh na gusto niyang gawin na at least two-time payment ang naturang one-time payment. Mukhang makukuha niya ang kanyang hiling.

Iniulat ng CBC News noong Lunes na habang ang programa ay ni-rebrand bilang rebate sa groceries, iro-roll out ito muli ng Liberal na gobyerno sa halagang $2 bilyon.

Ang pagkilos ay dumating habang ang halaga ng pagkain ay patuloy na tumataas year over year sa kabila ng katotohanan na ang kabuuang inflation ay bumababa na sa loob ng ilang buwan ngayon.

Inaasahan din na papalawakin ng budget ang national dental care plan para sa mga pamilya at indibidwal na mababa ang kinikita na hindi lang para sa mga bata na edad 12 pababa.

Nire-require ng kasunduan sa pagitan ng mga Liberal at ng New Democratic Party na gumagarantiya sa suporta ng New Democrats sa confidence votes sa House of Commons na palawakin ng mga Liberal ang dental care program bawat taon.

Ngayong 2023, ang programa ay nakatakdang i-expand para ikober ang Canadians na edad 18 pababa, ang seniors at mga taong namumuhay na may disability. Ang programa ay ganap na ipatutupad pagsapit ng 2025.

Nagpaplano rin ang gobyerno na i-crack down ang tinatawag na junk fees para sa mga konsyumer — ang nakatago o hindi inaasahan na consumer charges na kasama sa initial price ng isang produkto o serbisyo, na nagpapataas sa total cost.

Ang tugon sa Inflation Reduction Act

Ang limit sa mawi-withdraw ng mga estudyante mula sa kanilang registered education savings plan (RESP) para sa post-secondary education ay tataasan din.

Sa loob ng unang 13 linggo ng pag-aaral, ang mga estudyante ay maaaring mag-withdraw ng higit $5,000 ng education assistance payment (EAP) portion ng registered education savings plan. Tataasan ng gobyerno ang limit sa $8,000 upang mag-reflect ang tumataas na cost ng kolehiyo at unibersidad.

Walang limit sa post secondary education (PSE) withdrawals, na mga kontribusyon na ginawa ng subscriber.

Ang budget ay maglalaman ng mga hakbang upang i-offset ang epekto ng Inflation Reduction Act ni U.S. President Joe Biden, na sinabi ng Finance Canada officials na mauuwi sa isang gravitational black hole na hihigop ng green capital patungong Estados Unidos sa kapinsalaan ng Canada at ng ibang bansa.

Ang multi-billion-dollar program ng Washington ay nagtabi ng dolyares ng gobyerno para magdebelop ng low-carbon energy sa isang paraan na pinapalakas ang American manufacturing sector habang inaasinta ang dominanteng posisyon ng Tsina sa clean energy tech supply chain.

Sa palagay ko makakakita tayo ng pretty deep investments sa green economy space, ani Hughes. Sa palagay ko mayroon silang mix ng tax credits at iba pang mga paraan para akitin ang mga kompanya sa Canada. Malaki ang pokus doon.

Kinumpirma ng CBC News noong Lunes na isa sa mas malalaking tax measures sa budget ay ang magiging tax credit para sa clean tech manufacturing na nagkakahalaga ng 30 porsyento ng capital investment costs sa manufacturing equipment.

Ang budget ay inaasahan din na mag-aalok ng mas maraming detalye sa dalawang tax credits na prinopose noong fall economic statement — ang Clean Hydrogen Tax Credit at ang Clean Tech Investment Tax Credit.

Nanawagan si Conservative Leader Pierre Poilievre kay Prime Minister Justin Trudeau na mangako na ititigil ang anumang pagtaas ng buwis, o ang pagpapakilala ng mga bagong buwis, at wakasan ang deficit spending, na sinasabi niyang itinutulak ang inflation.

Sinabi ni Hughes na ang pagbabalik sa balanse ng spending ay malamang hindi short term.

Prinoject ng fall economic statement ang isang balanseng budget pagsapit ng 2028 — ang unang pagkakataon na gumawa ng ganitong prediction ang Liberal na gobyerno mula 2015. Hindi pa rin malinaw kung nais pa rin ng mga Liberal na magtakda ng petsa para maabot ang budgetary balance.

Ang halaga ng pagtugon sa pandemya, kasama ang dagdag na cost-of-living supports, ay gagawing mas mahirap ang pagbabalik sa balanse kaysa ten years ago, ani Hughes. At anumang target date para sa pagbabalik sa balanseng budgets ay kailangan posibleng mangyari, aniya.

Kung tatanggapin man ng mga tao ang sinasabi na iyon ng gobyerno at face value, sa outlook na iyon o sa projection na iyon, mas mahirap yata kung ibinase mo ang iyong sarili sa nakaraang karanasan, aniya.

Kaugnay na mga ulat

Isang artikulo ni Peter Zimonjic (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita