1. Home
  2. Pandaigdig
  3. Terorismo

Canada pinalawak, pinaliit ang anti-ISIS military mission sa Middle East

Ang mas maliit na military contingent ay inaasahan na mananatili sa rehiyon hanggang 2025

Isang lalaking sundalo lulan ng helicopter na may hawak na baril.

Isang door gunner na kasapi ng tactical aviation detachment ang nagbabantay sakay ng CH-146 Griffon helicopter sa Operation IMPACT noong Setyembre 27, 2017.

Litrato: Combat Camera/DND

RCI

Ang signature military mission ng Canada sa Middle East ay parehong ie-extend at ida-downsize, inanunsyo ng pederal na gobyerno noong Lunes.

Sa isang pahayag sa media, sinabi ni Defence Minister Anita Anand na ang Operation Impact, ang misyon laban sa terorismo na inilunsad ng dating Conservative na gobyerno upang labanan ang Islamic State extremists halos isang dekada na ang nakakaraan, ay magpapatuloy hanggang 2025.

Close up ng isang babae na nagsasalita sa harap ng mikropono.

Defence Minister Anita Anand (archives)

Litrato: The Canadian Press / Spencer Colby

Karamihan sa mga gawain ng militar ay nakapokus sa Iraq, pero ang Canada ay gumawa rin ng mga kontribusyon sa pagpapalakas ng militar na kakayahan ng Iraq, Jordan at Lebanon.

Sinabi ng isang defence official, na nagsalita sa background, na ang reauthorized mission ay paliliitin ang laki.

May humigit-kumulang 300 na miyembro ang Canadian military na naka-deploy ngayon upang suportahan ang Operation Impact, sabi ng opisyal, na hindi awtorisadong magsalita sa publiko.

Ang misyon ay isi-streamline at hanggang 150 personnel ang mananatili sa oras na makumpleto ang realignment.

"Ang binagong Canadian military footprint sa rehiyon ay isi-streamline ang ating command, kontrol at support infrastructure," sinabi ng opisyal.

Basahin ang iba pang detalye rito (bagong window).

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita