1. Home
  2. Politika
  3. Imigrasyon

Paano — at bakit — isinekreto ng Canada at U.S. ang border deal sa loob ng 1 taon

Inilihim ng Canada ang kasunduan upang maiwasan ang pagdagsa ng mga migrante sa border

Dalawang lalaki na naglalakad sa red carpet sa tabi ng mga watawat ng Estados Unidos at Canada.

U.S. President Joe Biden at Canadian Prime Minister Justin Trudeau dumating para sa isang news conference noong Biyernes, Marso 24, 2023, sa Ottawa.

Litrato: Associated Press / Andrew Harnik

RCI

Isang malaking balita nang inanunsyo nina Prime Minister Justin Trudeau at U.S. President Joe Biden noong isang linggo ang binagong Safe Third Country Agreement upang kontrolin ang cross-border migration. Pero isa na itong lumang balita sa mga partido mismo — sinang-ayunan nila ang mga pagbabago isang taon na ang nakaraan at isinekreto na ito mula noon.

Ang bagong kasunduan ay nilagdaan sa Canada ni Immigration Minister Sean Fraser noong Marso 29, 2022, at sa Washington noong Abril 15 ni U.S. Homeland Security Secretary Alejandro Mayorkas.

Ang iregular na cross-border migration ay naging pangunahing pulitikal na isyu sa parehong bansa — partikular sa Quebec, ang tahanan ng iregular na pagtawid sa Roxham Road. Ang mga Liberal ni Trudeau ay binugbog ng naturang isyu sa Quebec, isang probinsya na kritikal sa tsansa na maihalal ang partido muli.

Gayunpaman, wala pa ring nagsalita sa loob ng isang buong taon. Ang kasunduan ay itinago maging sa mga gobyerno ng probinsya.

Kami ay nanatiling nasa dilim, sinabi ng isang opisyal ng probinsya. Nalaman lamang ito ng immigration minister ng Quebec ilang minuto bago pumutok ang balita sa media noong nakaraang Huwebes.

Inilihim ng mga opisyal ng gobyerno ang kasunduan hanggang sa opisyal na pag-aanunsyo dahil sila ay nag-aalala na magti-trigger ito ng stampede sa border.

Ang bagong Safe Third Country Agreement ay pinapayagan ang parehong bansa na itaboy ang mga migrante na naglalayong gumawa ng asylum claims sa hindi opisyal na points of entry tulad ng Roxham Road.

Basahin ang buong istorya rito (bagong window).

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita