1. Home
  2. Isport
  3. Basketbol

[Mga photo] Silipin ang Filipino basketball sa Brampton

Para sa Filipino Canadians, hindi lang isang laro ang basketball

Isang lalaki tumanggap ng certificate kasama ang ibang tao sa loob ng basketball court.

Brampton Mayor Patrick Brown, dulo kaliwa, kasama ang dalawang miyembro ng Brampton Filipino Basketball Association at si Councillor Rowena Santos, pangalawa mula kanan, ang kauna-unahang Filipino Canadian na nahalal sa konseho ng Brampton sa Ontario.

Litrato: Twitter / Patrick Brown

RCI

Ito ay isang bagay na ikinokonekta sila sa kanilang kultura, wika at lupang tinubuan. Sa katunayan, mula Yukon hanggang P.E.I., sa halos lahat ng dako ng Canada, may liga ng basketball ang mga Pilipino. Isa na rito ang Brampton Filipino Basketball Association na kinilala ni Mayor Patrick Brown kamakailan bilang mahalagang parte ng komunidad ng lungsod ng Brampton sa Ontario.

  • 1 ng 4 : Kinilala ni Brampton Mayor Patrick Brown, dulo kaliwa, ang Brampton Filipino Basketball Association nang siya ay sumilip sa kanilang practice noong Marso 27 kasama si Councillor Rowena Santos, pangalawa mula kanan, ang kauna-unahang Filipino Canadian na nahalal sa konseho ng lungsod ng Brampton sa probinsya ng Ontario., Litrato: Twitter / Patrick Brown
  • 2 ng 4 : Magiliw na nakipag-usap si Brown sa mga manlalarong Pinoy. Samantala, sa katabing probinsya ng Ontario sa kanluran, alam niyo ba na gumawa ng liga ng basketball ang mga Pilipino sa Manitoba (https://tinyurl.com/mry2dnhv). Hindi lang mga Pinoy ang kanilang mga manlalaro, binuksan nila ang liga sa lahat ng tao mula sa iba’t-ibang lahi., Litrato: Twitter / Patrick Brown
  • 3 ng 4 : Narito ang mga miyembro at manlalaro ng Brampton Filipino Basketball Association. Narito rin ang kuwento kung paano nakapaglaro muli ang mga Pilipinong basketbolista (https://tinyurl.com/82kx2ss3) sa Winnipeg matapos ang pandemya., Litrato: Twitter / Patrick Brown
  • 4 ng 4 : Kasama ni Mayor Patrick Brown, kaliwa, ang isang batang Pinoy na basketbolista. Ang larong basketball para sa mga Pinoy ay isang paraan upang magkaisa ang komunidad (https://tinyurl.com/yc7mxrcd)., Litrato: Twitter / Patrick Brown

Mga Ulo ng Balita