- Home
- Teknolohiya
- Internet
Canada nahuhuli sa pagkonekta ng rural areas sa mabilis na internet: ulat
Ang connectivity gap sa Canada nagbunsod ng mga katanungan tungkol sa pagkakapantay-pantay
Auditor General Karen Hogan (archives)
Litrato: The Canadian Press / PATRICK DOYLE
Ang mga gawain ng gobyerno upang ikonekta ang malalayong parte ng Canada sa mabilis na internet ay nahuhuli, sinabi ng auditor general ng Canada sa isang ulat na inilabas ngayong Lunes — na nagbabala na ang gap sa pagitan ng mga lungsod at ibang lugar ay maaaring mauwi sa equality issues habang ang trabaho, edukasyon at maraming serbisyo ay lumipat online.
Habang halos 91% ng mga Canadian na tahanan ay may access sa high-speed internet noong 2021, 59.5% lamang sa mga rural at malalayong lugar ang nakakakuha ng parehong access. Ang numero na iyon ay bumaba sa 42.9% para sa mga tahanan na nasa First Nations reserves.
Ang findings ay ine-emphasize ang persistent digital divide para sa mga taong namumuhay sa First Nations reserves at sa mga rural at remote communities kumpara sa mga tao na namumuhay sa urban areas,
ani Auditor General Karen Hogan sa isang news release (bagong window).
Kailangan umaksyon ng gobyerno para magkaroon ng abot-kaya, mabilis na connectivity coverage para sa Canadians sa lahat ng lugar sa bansa.
Nagtakda ng layunin ang Canada na ikonekta ang 98% ng Canadians sa high-speed internet pagsapit ng 2026, na may universal access pagdating ng 2030.
Inilalarawan ng gobyerno ang high-speed internet bilang 50 megabits per second para sa downloads at 10 megabits per second para sa uploads.
Nakasaad sa ulat na ang urban-rural gap ay lalong nagiging problema dahil sa paglipat ng trabaho, edukasyon, medisina at mga serbisyo ng gobyerno online.
Ang pagiging konektado ay hindi na isang luxury pero isang basic essential service para sa Canadians. Ang katotohanan na ito ay naging mas maliwanag bilang resulta ng COVID-19 na pandemya, na binago kung paano namumuhay, nagtatrabaho at nag-aaral ang Canadians,
ayon sa buod ng ulat.
Kung walang access sa mabilis, maaasahan at abot-kaya na high-speed internet at mobile cellular services, ang mga tao na nakatira sa malalayong komunidad ay hindi pareho ang mga oportunidad na makukuha sa mga taong naninirahan sa mas maraming urban areas.
Basahin ang buong istorya rito. (bagong window)
Bahagi ng artikulo ni Richard Raycraft (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.