- Home
- Lipunan
- Paglahok sa Komunidad
Mga bagong miyembro ng Knights of Rizal sa Alberta nanumpa
Pinangunahan ng consul general ng Pilipinas sa Calgary ang panunumpa

Ang mga miyembro ng Knights of Rizal sa Canada.
Litrato: PCG - Calgary
Pinangunahan ni Consul General Zaldy Patron ang pagbuo sa mga chapter ng Knights of Rizal (KOR) sa Calgary, Airdrie at Edmonton sa probinsya ng Alberta.
Noong Marso 25, 25 na miyembro ng tatlong
KOR Chapters ay nanumpa sa harap ng mga officer ng KOR Central Canada Region at KOR Supreme Council sa Philippine Consulate General sa Calgary.
Nanumpa ang 25 na bagong miyembro ng Knights of Rizal sa Alberta.
Litrato: PCG - Calgary
Itinatag noong 1911, ang Order of the Knights of Rizal ay isang sibiko at makabayan na organisasyon na kinikilala ng batas bilang isang instrumento kung saan ang mga aral ni Dr. Jose Rizal ay maaaring ituro sa ibang indibidwal na naniniwala sa kanyang mga aral na maaari nilang isabuhay at sundin bilang halimbawa.

Pinangunahan ni Consul General Zaldy Patron, ikapito mula kaliwa, ang pagbubuo ng tatlong Knights of Rizal Chapters sa Alberta.
Litrato: PCG - Calgary
Si Dr. Jose Rizal ay isang doktor at manunulat na pinangunahan ang rebolusyon laban sa kolonyal na pamumuno ng Espanya at ipinaglaban ang kalayaan ng Pilipinas hanggang siya ay binaril ng firing squad noong 1896 sa Maynila.
Kaugnay na mga ulat
- [Ulat] Busto ni Dr. Jose Rizal inilahad para sa bagong parke sa Brampton
- Estatwa ng Pilipinong bayani planong itayo sa northeast Calgary park
Hango sa press release ng Philippine Consulate General - Calgary na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.