1. Home
  2. Politika
  3. Imigrasyon

Bagong deal sa U.S. papayagan ang Canada na hindi magpapasok ng mga migrante sa border

Isinara ang loophole na pinapayagan ang mga migrante na maghain ng asylum claims sa pagitan ng ports of entry

Mga lalaking nakatayo sa harap ng mga bandila.

Nagkaroon ng pribadong pagpupulong si U.S. President Joe Biden kay Prime Minister Justin Trudeau sa Parlamento sa Ottawa.

Litrato: Associated Press / Andrew Harnik

RCI

Nakipagnegosasyon ang Canada ng isang border deal sa Estados Unidos na pahihintulutan ang Canada na hindi papasukin ang mga migrante na galing sa Estados Unidos na nais maghain ng asylum claims sa unofficial points of entry tulad ng Roxham Road.

Ang deal ay mag-a-apply sa Safe Third Country Agreement (bagong window) (STCA) sa buong Canada-United States border. Isasara nito ang loophole na pinahihintulutan ang mga migrante na dumarating sa Canada mula Estados Unidos na maghain ng asylum claims sa pagitan ng official ports of entry. Ang mga awtoridad ng Canada na nagpa-patrol sa border ay maaari na ngayon itaboy ang asylum seekers pabalik ng Estados Unidos.

Ang kasunduan, na ipinatupad noong 2004, ay sinasabi na ang asylum seekers ay kailangan gumawa ng claim sa unang ligtas na bansa na kanilang mapupuntahan.

Ang deal ay papayagan din ang mga awtoridad ng Amerika na itaboy ang asylum seekers na pupunta sa Estados Unidos mula sa Canada.

Upang tugunan ang irregular migration, pinapalawak namin ang Safe Third Country Agreement upang mag-apply hindi lamang sa designated ports of entry, kung hindi sa buong land border, kasama ang internal waterways, titiyakin ang fairness at mas maayos na migration sa pagitan ng ating dalawang bansa, sinabi sa release mula sa Prime Minister's Office (bagong window).

Ang pagbabago ay nakatakdang maging epektibo sa Sabado, 12:01 a.m.

Bilang parte ng deal, sumang-ayon ang Canada na tumanggap ng 15,000 na migrante mula sa Western Hemisphere sa pamamagitan ng official channels sa susunod na taon.

Ang balita ay dumating sa unang opisyal na pagbisita ni Joe Biden sa Canada bilang presidente ng Estados Unidos.

Samantala, kinondena ng Amnesty International, isang human rights advocacy group, ang mga pagbabago sa Safe Third Country Agreement.

Ang pagsasara ng Roxham Road sa pamamagitan ng pagpapalawak sa Safe Third Country Agreement ay isang kalapastanganan sa mga karapatan ng refugee claimants na naghahanap ng kaligtasan sa Canada, ani Ketty Nivyabandi, secretary general ng Amnesty International sa Canada, sa isang media statement.

Ang mga tao na tumatakas mula sa kanilang home countries, at inilalagay ang kanilang buhay sa panganib sa pamamagitan ng pagtawid irregularly patungong Canada, ay hindi gagawa ng drastikong mga hakbang kung maaasahan na igagalang ng immigration and refugee-protection system ng Estados Unidos ang mga karapatan ng mga migrante.

Sinabi ni Nivyabandi na walang konsensya ang gobyerno dahil ginawa nila ang pagbabago habang nire-review ng Korte Suprema ang Safe Third Country Agreement. Ang Amnesty International ay isa sa mga partido sa kaso na iyon.

Nagbigay rin ng tugon sa anunsyo nina Biden at Trudeau ang United Nations High Commissioner for Refugees (UNHCR). Sinabi ni Rema Jamous Imseis, ang kinatawan ng UN Refugee Agency sa Canada:

“Ang United Nations High Commissioner for Refugees, ang UN Refugee Agency, ay nalalaman ang mga pagbabago na inanunsyo na maaaring magkaroon ng significant impact sa asylum sa Canada. Habang ang United Nations High Commissioner for Refugees ay hindi bahagi ng mga diskusyon na ito, umaasa kami na mare-review ang mga detalye kasama ang Gobyerno ng Canada sa susunod na mga araw.

Kinikilala ng United Nations High Commissioner for Refugees na ang Estados Unidos at Canada ay nahaharap sa significant challenges kaugnay ng dami ng mga dumarating na asylum seekers at mga migrante sa kanilang mga border at hinihikayat ang lahat ng mga gobyerno na isipin ang kanilang obligasyon sa mga tao na tumatakas sa giyera, karahasan at persekusyon.

Palaging nananatiling handa ang United Nations High Commissioner for Refugees na magbigay ng technical expertise sa mga gobyerno sa paghahanap ng mga solusyon sa anumang hamon ukol sa pagpapanatili ng asylum system na ligtas, patas at makatao.”

Basahin ang buong istorya rito. (bagong window)

Bahagi ng artikulo ni Richard Raycraft (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita